GANGSTER 17

7.1K 154 5
                                    

(Nyx's POV)





"Sorry Apollo, kasalanan ko 'yon, alam ko kahit hindi niya sabihin alam kong kasalanan ko, H-hindi kasi ako nag-iingat." Napatungo ako matapos kong sabihin iyon, hindi ko siya kayang tingnan, nahihiya ako, dahil ako dapat ang nasa loob.


"Naya chose to save you, if she didn't want it, do you think she will do that? No Nyx, she will never." Napatingin muli ako kay Apollo ng sabihin niya iyon. "That's why, I'm sorry."


Natawa lang siya sa akin kahit na bakas na bakas sa kanya ang pagaalala. "Kapag narinig ka niya mabu-bwisit 'yon, tama na 'yan, ang importante buhay siya at buhay kayong dalawa. Magkalimutan na lang tayo kapag namatay siya, Nyx."


Natawa ako sa sinabi ni Apollo at ngumiti lang din naman siya sa akin. Iniwan ko na lang din muna siya sandali doon para makapaglinis at makausap sila Kuya, hindi naman siya umalis sa may pinto so I let him.



-----------------------------------




"Kapag nagamot siya pauuwiin agad natin sila," bungad sa akin ni kuya Eos pagbaba ko ng hagdan. Nasa sala sila kaya agad din akong lumapit doon para kausapin din siya. "No, Naya will stay here hanggang gumaling siya!" hiyaw ko kay Kuya Eos.


"I let you once Nyx, not twice," pagbabanta niya sa akin. "Bullshit Eos, you are fvcking Bullshit!" hiyaw ko kay kuya. He's too impossible. Okay lang ba siya? Kilala niya sina Naya at Apollo, higit kaninuman ay siya ang nakakakilala sa kanila pero anong ginagawa niya ngayon?


"Stop it Nyx? Eos?" saway ni kuya Styx sa aming dalawa pero hindi ko siya pinansin. "Mag-aaway ba kayo dahil lang sa kanila?" sabad din ni Andrea. Marahas akong tumingin sa kanya ng masama na agad naman niyang ikinagulat.


"Manahimik ka Andrea, wala kang karapatan na pakielaman ako. Baka nakakalimutan mo na kaya wala ang Kuya ko sa tabi ko kanina ay dahil papansin ka. Hindi mangyayari 'yon kung nandyan siya, palibhasa kasi sumali ka lang sa gang dahil gustong-gusto mo siya," pagkasabi ko noon ay nginisian ko siya. I then look at kuya Eos, matapos umiwas ng tingin si Andrea sa akin. Wala din namang nakapalag pa dahil doon.


"Huwag mo rin akong paandaran sa mga kalokohan mo kuya Eos, dahil kahit kaylan wala kang ibang inisip kung hindi ang gang mo lang. Gagawin ko kung anong gusto ko at walang makakapigil sa akin kahit sino sa inyo, hindi naman ako nagpunta dito para sa inyo at sa gang niyo. Kaya ko ring lumipat ng gang kung gugustuhin ko, at hindi ako papayag na maulit muli iyong nangyari noon na hinayaan mo lang na mangyari." Agad na tumayo si kuya Styx saka ako hinila palayo marahil ay para patigilin ako pero agad din akong pumalag.


"What? Hindi ba totoo? Kilala din naman niya sina Naya, siya rin dapat ang pumoprotekta sa kanila. Dapat nga ay bumabawi na siya ngayon pa lang, pero dahil duwag siya ay nananatili siyang nakatago sa lungga niya. Alam ba ni Andrea na si Naya ang tinutukoy ng kambal? Dapat lang na malaman niya na ngayon pa lang dahil hindi ako boto sa kanya. Grow up, brother." Tinalikuran ko na sila pagkasabi ko noon at saka ako bumalik sa clinic ni ate Selene. Nananatili namang nakatayo si Apollo sa may pintuan at pinanonood si Ate sa loob.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon