GANGSTER 39

6K 130 0
                                    

(Naya's POV)





Its deja vu, I can feel it. Alam ko dahil ganitong-ganito din naman ako noon, ganitong-ganito rin ang pakiramdam ko noon. Pakiramdam na parang gusto ko na lang na matulog ng maghapon at walang gawin, gusto ko lang na mahiga at huwag ng bumangon.


Pakiramdam ko kasi kapag tumayo ako dito sa kinahihigaan ko ay magagalit na naman ako sa mundo, magagalit na naman ako sa lahat at baka masaktan ko na naman sila. At katulad dati ay hindi ko na naman alam ang gagawin, I cant function right again. And I felt like I am lost to neverland again, ganito naman ako araw-araw hindi ba? Pero bakit parang iba 'to ngayon? Bakit parang hindi ako nasasanay?


Bakit parang I knew how to live my life but I never knew how to continue, pakiramdam ko para akong robot na paulit-ulit lang ang ginagawa, walang bago. I thought I am ready, pero pagpasok ko dito sa DRU parang nawala ang lahat ng lakas ng loob at tapang na naipon ko. But I knew, I needed to compose myself, kaylangan maging okay ako or else mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko at pinaghandaan ko, and the worst is mamamatay na lang ako dito na hindi nakukuha ang hustisya na hangad ng pamilya namin para sa kambal.


I look at my phone noong nag-vibrate iyon it also means na may nag-text doon and its unusual, dalawang phone kasi ang gamit ko pero wala namang nagte-text doon pareho. Tumatawag lang kasi palagi si Dad sa akin, bihira siyang magtext. Kinuha ko agad ang cellphone ko at saka naman sabay-sabay na pumasok ang text nina ate Selene, ate Ezra, Nyx at pati si Marielle.


I sigh after reading their text then wear my jacket saka ako tumayo at lumakad palabas ng dorm namin, pupuntahan ko na lang sila sa hideout nandoon daw kasi sila. Malapit lang naman 'yon dito, at saka mas okay na 'yon, gusto ko din naman na makausap si ate Ezra.


"Naya?" salubong nila sa akin pagpasok na pagpasok ko sa main door ng hideout pagkakita nila sa akin, mabilis din nila akong hinila sa isang sulok malapit sa glass wall.


"Okay ka lang ba ha? Kumain ka na ba?" ate Ezra ask at kitang-kita ko na alalang-alala sila sa akin lalo na si ate Ezra. Nakikita ko 'yon sa muka niya, at pakiramdam ko naaalala ko ang kambal sa kanya, at parang talagang tinutupad niya ang pangako niya sa kambal.


"Ate?" I called her pero ngumiti lang sa akin si ate Ezra at hinawakan niya ng dalawa niyang kamay ang muka ko. "Okay lang Naya, okay lang ang hindi maging okay ha? Okay lang 'yan. Okay lang kahit ayaw mong magsalita," she said again.


Niyakap niya lang ako at hindi na ako nagsalita, hanggang sa naramdaman ko na lang din na hinimas ni ate Selene ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya. Nasa gitna kasi nila ako ni ate Ezra.


"Bakit niyo ba ako pinapunta dito? May problema ba?" I ask kaya binitawan na ako ni ate Ezra at nagkatinginan lang naman sila sa tanong ko.


"Gusto ka lang naming makausap, lagi ka kasing missing in action. Saka nagaalala lang kami dahil hindi ka namin nakakasama nitong mga nakaraang araw. Saka Naya, hindi ba malapit na ang 11:11? Ayusin mo ang sarili mo, hindi pwedeng ganyan ka ha? Dapat mag-focus ka,' ate Ezra answered at napakunot lang ang noo ko sa kanila.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon