GANGSTER 51

12.2K 240 55
                                    

(Naya's POV)





After we eat ay lumabas na muna ako at hinintay ko na lang si Nyx at Frion malapit sa gate dahil sabay-sabay na kaming papasok, nauna na rin naman sa amin sina Fredrick, Simon at Apollo.


Napahawak muli ako sa leeg ko habang nakasandal ako sa poste sa labas ng dorm namin, kinabahan na naman ako pero naalala ko bigla na naputol ang kwintas ko kaya kahit papaano ay kumalma rin ako. Hindi kasi ako sanay na wala ang kwintas na 'yon, bihira ko 'yong hubarin at wala kong ibang kwintas na sinusuot maliban lang doon.


"Bakit nandyan ka mura?"


Napalingon agad ako sa nagsalita at nakita ko na naman sina Eos na palapit sa akin, papasok na rin marahil sila. Kasunod na rin naman nila sina Nyx at Frion. Eos smirk at me, okay lang ba siya?


"Hinihintay mo ba ako?" he said again.


Agad ko siyang tiningnan ng masama pero natawa lang din naman siya.


"Kunwari ka pa, tara na, sabay na tayo," he said again.


Diretso ko lang din naman siyang tiningnan pero lumapit pa rin siya sa akin, hindi ko naman na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang sinapak na agad niyang ikinagulat. Masamang-masama rin ang tingin niya sa akin ng balingan niya ako, nagulat din ang mga kasamahan ko pero walang tumulong sa kanya na tumayo habang nakasalampak siya sa sahig.


"How dare you?" hiyaw niya saka siya mabilis na tumayo.


This time pinigilan na agad siya nina Styx kaya napangisi lang ako.


"Bakit ka napipikon? nagaasaran tayo hindi ba?" I said na ikinatigil niya.


Tiningnan ko lang siya na parang siya na ang pinakanakakatawang tao sa mundo na hindi naman dapat binibigyan ng pansin.


"Eos? Naya? Ano na naman ba 'to?" dinig kong hiyaw ni ate Selene.


Napalingon sila kay ate Selene ng humiyaw siya pero hindi ako.


"Nagaasaran kami, kaso pikon siya. Ayan, umiyak," tanging sagot ko sa kanya.


Saka ko siya nginisian ng tingnan ko siya.


"Para kayong mga bata, ano ba namang mga asal 'yan?" sermon ni Ate sa amin.


"Pagsabihan mo ang babae na 'yan Ate. I am still the Boss of this gang, hindi niya ako pwedeng sapakin kahit kaylan niya gusto. Matuto siyang lumugar, this is my gang and this is my dorm," hiyaw niya sa akin saka siya tumingin kay Ate.


Napangisi lang din naman ako sa kanya.


"Why? Why are you so upset? Feel ko lang naman na sapakin ka, kasi parang kaylangan ko ng gawin 'yon. Lalo na at hanggang ngayon hindi pa naaayos ang kwintas ko na sinira mo!" hiyaw ko rin sa kanya.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon