GANGSTER 5

9.1K 202 9
                                    

(Naya's POV)




"Insan? Napansin ko lang ha. Alam mo 'yong ID natin parang color coded ano?"


I look at him ng magsalita siya pagbaba niya ng hagdan, nagbihis kasi agad siya matapos naming kumain at naghintay na lang ako dito sa baba. Kung sino pa kasi ang lalaki ay siya pa ang mabagal kumilos. Tumayo na lang din ako sa couch at naglakad palapit sa pinto para mauna na sa kanya. Buti na lang din at no uniform basis ang senior high dito, ID lang din ang magiging identity mo. Iyon siguro ang dahilan kaya color coded ang ID's.


"Ang kupad mo, bilis na," sermon ko sa kanya saka ako naunang lumabas ng pinto. "Yes mam!" agad naman niyang sagot.


Sumaludo pa siya sa akin and I just roll my eyes on him. Hindi ko na siya pinansin at lumabas na agad kami at mabilis na lumakad papunta sa gate, mala-late kami sa mokong na 'to eh.


Napag-alaman ko rin kasi na hindi kasi pumapasok ang mini bus dito sa loob, hanggang sa gate lang sila kaya no choice kami kung hindi ang maglakad palabas ng village, para makasakay sa nagaabang na bus sa may gate.


Hindi na rin naman ako nagsalita pa habang nalalakad kami. Sa ngayon almost the same ang schedule namin ni Apollo, subjects lang ang pinagkaiba dahil magkaiba kami ng strand pero 'yong oras ay parehong-pareho.


"If G11 is black and G12 is white? How about the other?" mayamaya ay muling tanong ni Apollo habang naglalakad kami.


Hindi na siguro niya makayanang kimkimin ang mga tanong niya, madaldal siya hindi niya talaga kaya 'yon.


"The college have uniforms unlike us Apollo, they have a color-coding basis on the uniforms and ID too. Although the designs of their uniforms depend upon the courses. For example, if the freshman is green their ID is green too, and the only thing that will serve as their difference in each other is the uniform designs," mahabang paliwanag ko sa kanya kahit na nakakatamad magpaliwanag.


Problema ko rin naman kasi siya kapag nagkataon kaya no choice ako kung hindi sagutin siya.


"Cool, wait? How did you know that?"


I just roll my eyes at him, Apollo was not observant and he doesn't have a photographic memory like me.


"I saw it yesterday," simple kong sagot sa kanya.


"Whoah!"


Nilingon ko siya saka ko siya tiningnan ng masama, this time nakasakay na kami sa mini bus papunta sa building namin.


"Magbasa ka ha?" sermon ko sa kanya.


Agad naman niyang ikinatango iyon habang kakamot-kamot siya ng ulo. Napapailing na lang din naman ako dahil sa kanya. Masiyado talaga siyang inosente sa mga bagay-bagay eh ang tanda-tanda na niya, Tsk. Sabagay, hindi ko siya masisisi, we knew how to fight, but I have experience to it and he doesn't.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon