GANGSTER 49

5.9K 127 0
                                    

(Eos's POV)





"Okay? wait, I don't know how to volley a ball."


Nagtawanan ang mga nasa gym kay Naya dahil sa sinabi niya na saktong naabutan namin pagpasok din namin ng gym.


"Its just like this Naya, come on? do it" paliwanag sa kanya ni Cielo saka siya tinuruan nito. "Its just like that pero bakit sa akin hindi ganyan?"


Nagtawanan na naman 'yong mga nasa loob ng gym kaya nagkatinginan lang din kami saka ako muling dumiretso sa paglalakad papasok sa loob. Napatingin din naman sila sa amin maging si Nyx na nakaupo lang ng tahimik sa bleachers.


"Hi mahal?" agad na bati sa akin ni Naya, and that's bullshit. "Hello mura," ganti ko sa kanya.


Nagtawanan naman agad ang mga kasana namin ng sumimangot siya at natawa lang din ako.


"Come on Naya? Mamaya na 'yan," pangaabala sa kanya ni Cielo. "Ano ba 'yan Cielo? Personalan na ba 'to ha? Nakakahalata na 'ko eh mag-basketball tayo ano? Game!"


Nagtawanan na naman sila at pati ang mga kasama ko ay ganoon din.


"Volleyball ang P.E. natin gaga ka talaga," muling sagot ni Ciello sa kanya.


Hindi ko na lang din sila pinansin at naupo na lang sa bleachers habang wala pa ang professor namin.


"Ciello, kahit pa P.E activity siya hindi nga ako marunong, okay?" reklamo na naman ni Naya.


Ang ingay naman nilang maglaro ng volleyball.


"Mag-written exam na lang tayo, huwag na tayong lumaban matatalo lang tayo doon, yayain mo na lang sila ng sapakan, ganoon din naman 'yon," Naya said again.


Nagtawanan na naman sila sa kalokohan ng babaeng 'yon and I feel like a crazy idiot enjoying this moment kahit na hindi ako nakikitawa sa kanila.


"Naya naman eh, baliw ka talaga," reklamo na naman ni Cielo sa kanya. "Bahala kayo, basta tinanggap ko na ang katotohanan," Naya said again.


Natawa na lang din ako saka kami pumwesto sa lagi naming pwesto ng dumating ang professor namin.


"Quiet girls!" sita sa kanila ng professor namin.


Napalingon sila sa amin ng sawayin sila ng professor namin.


"Pasensya na sir!" sabay-sabay nilang sabi maliban kay Naya.


"I'll be back, ipinatatawag lang ako ng faculty head," mayamaya ay muling sabi ng prof namin.


Hindi naman namin siya pinansin ng magpaalam siya, pinabayaan lang din namin siya saka kami muling nagsi-upuan sa bleachers.


Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon