GANGSTER 56

118 4 0
                                    

(Naya's POV)





"Hey? Okay ka na ba? Bakit tumayo ka na?" bungad sa akin ni Eos.


Nasa sala pa rin sila pero iba na ang mga damit nila. Hindi na lang din ako umangal noong hilahin niya ako paupo sa couch sa sala kasama nila.


"That wont kill me, Eos," tanging sagot ko sa kanya.


Nginitian niya lang naman ako dahil doon. Nakakapagtaka lang din minsan ang lalaking ito, mas madalas na siyang ngumiti ngayon hindi katulad noon na parang ang laki palagi ng problema niya.


"Ano bang oras na? Bakit nandito pa kayo?" tanong ko sa mga taga-dorm 13.


Agad ko ring tiningnan ang wristwatch ko, its 3:00 pm already, eksaktong-eksakto.


"Naguusap-usap lang kami tungkol sa mga nangyari kanina Naya," agad na sagot ni Frion sa akin.


"Nasaan na nga pala ang mga kasamahan natin? Lahat ba sila nandito sa dark village?" sunod-sunod kong tanong sa kanila.


"Relax, may susuway ba naman sa'yo Boss Naya? Nasa gym sila nagte-training pa rin. Iyong ibang dark reapers naman sa gym na lang din sila tumambay kaysa sa hideout. Walang nasa labas ng dark village sa mga oras na 'to huwag ka ng magalala, walang magtatangka, Naya," Frion said to me.


Nawala rin naman agad ang kaba na sandaling bumagabag sa akin.


"At dapat lang na hindi sila sumuway dahil hindi na lang college ang nabibiktima ng mga nangyayaring ito, simula kahapon ay may senior high na ring mga biktima," dagdag pa ni Frion.


Tama siya, kami ang gang na may pinaka-maraming myembro, madaling-madali kaming mapasok ng venom infected ng hindi namin nahahalata. Buti na lang kami rin ang gang na pinaka-aware sa lahat ng mga tao dito sa university ng tungkol doon, kaya kahit papaano ay alam nila ang kaya nitong gawin at kung gaano ito kadelikado.


"We should be more careful, hindi na lang gabi nangyayari ito pati na rin umaga at harap-harapan pa. Kahit na aware ang lahat ng mga kasamahan natin sa gang tungkol sa issue na ito, hindi nila dapat subukin ang tindi ng venom. Hindi tayo magpapaka-kampante, we cant let anyone of us get infected dahil alam natin sa mga sarili natin na hindi natin kayang pumatay ng mga kasamahan natin," I also said.


Tiningnan ko lang sila at mukang naintindihan naman nila ang ibig kong sabihin.


"Tama si Naya, doble ingat dapat talaga tayo, hindi ito biro. Hindi basta-basta masusugpo ang issue na ito ng pamunuan kaya tayo na lang ang magiingat sa sarili nating gang," Styx also said at napabuntunghininga lang ako sa sinabi niya.


"They are scary lalo na sa gabi kung kaylan limitado lang ang galaw natin, maraming beses ko na silang nakita pero nakakatakot pa rin talaga sila. Imagine them scattered in front of you and not just one pero madami, isn't that scary? Dahil alam mong they are unstoppable, they are no longer human kapag infected na sila, and that is more scary kapag alam mong kasamahan mo 'yon. Kapag alam mo na hindi mo sila kayang saktan pero ikaw kayang-kaya ka nilang patayin, of course you wont believe, they aren't scary at all in your eyes pero para sa akin, iba ang dating noon," I said again.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon