GANGSTER 72

88 5 0
                                    

(Naya's POV)



Day 11 - Hunting game (6:00 pm - 5:00 am)

Participants: Eos Devin McGriff
Nyx Davon McGriff
Apollo Myren
Cielo Corliss
Helena Reyes



It's hunting game again, and I need to exercise my hands para mamaya. Mahirap na at ibang usapan na rin 'to dahil si Eos, Nyx, Apollo, Cielo at Helena na ang nakataya dito.


"Aray!" reklamo ko habang ini-stretch ko ang kamay ko. Masakit 'yon ah.


"Ano bang ginagawa mo?" Nilingon ko ang nagsalita sa likuran ko, and I saw Eos. Nilapitan niya agad ako at tiningnan niya ang sugat ko. "Ipahinga mo ang sugat mo, Naya," utos niya sa akin pero nakatingin lang ako sa kanya.


"Eos? Bakit?" tanong kong muli sa kanya. "Anong bakit?" tanong niya rin na kunot na kunot ang noo. Marahil nagtataka siya na bigla na lang akong nagtatanong sa kanya.


"Alam kong may ginawa ka para payagan nila tayong lumabas, anong ginawa mo? Bakit mo 'yon ginawa? Inilagay mo sa panganib ang buong gang, Eos? Hindi mo ba napapansin na pinagiinitan nila tayo? Halos lahat ng games tayo ang participant," sermon ko sa kanya, at napabuntunghininga din ako kalaunan.


"Huwag mo ng alalahanin 'yon Naya okay? Magpahinga ka na lang," he said to me kaya napatingin na lang din ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat Eos. Hindi ako matahimik, pakiramdam ko kasalanan ko lahat kaya ganito ang sitwasyon natin," I said again.


Napatigil ako dahil pakiramdam ko ay maiiyak na ako, hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari, hindi na 'to maganda.


"Hindi, Naya? Desisyon ko 'to, desisyon namin. Gusto naming bumawi, gusto naming gawin ang mga bagay na noon pa dapat namin ginawa, gusto naming tumulong, gusto na rin naming tapusin na 'to dito Naya, katulad mo," mahabang sabi niya sa akin.


"Pero Eos?" Napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan niya ang magkabilang braso ko. "Trust us, okay? Lets just continue, kaya natin 'to naiintindihan mo ba?" hindi na ako nakapagsalita at niyakap ko na lang siya pagkasabi niya noon.


"Hindi namin hahayaan na mauwi pa rin sa wala ang lahat, ganun ka rin hindi ba? Ganoon tayong lahat kaya huwag ka ng magalala," he said again kaya tumango na lang din ako. Salamat Eos, Salamat sa lahat.


"Magpahinga ka na, mayamaya hunting game na. Ikaw ang planner namin 'di ba?" he said again kaya muli akong tumango sa kanya. "Salamat Eos, pakiramdam ko talaga nandito lang sila Kuya at hindi nawala dahil sa inyo," I said again.


Ngumiti lang siya sa akin at ganoon din ako.


"Syempre naman pogi kaya ako --- aray!" pagyayabang niya na nauwi sa pag-angal kaya natawa na lang din agad ako sa suntok ko. "Okay na ang kamay ko ano? Tara na nga sa loob," I said saka ko siya niyaya na pumasok sa loob ng bahay.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon