GANGSTER 74

65 3 0
                                    

(Apollo's POV)





Si ate Selene ang naglabas kay kuya Red ng school pero tutulungan din naman siya ni Tito, ako na rin kasi ang nagsabi kay Tito ng tungkol sa nangyari and he agreed. Sa totoo lang ay nakakalungkot talaga na pagkatapos ni Scarlet ay siya naman ang nawala. Talagang magsasama na silang magkapatid ngayon sa itaas.


Matapos ang pangyayaring 'yon hanggang ngayon Iyak pa rin ng iyak si ate Ezra, si Nyx at Marielle ay ganoon din. Hindi pa rin naman namin makausap si Eos at Styx at sina Ivan at Romer maging si ate Selene ang gumagawa ng lahat sa gang ngayon. May laro pa naman kami mamaya at malalagot kami kapag nagpatuloy 'to.


"Apollo?" nilingon ko ang pabulong na tumawag sa akin, saka ko lang nakita si Cielo at Helena. "Bakit?" I ask.


"K-kasi wala si Naya sa dorm 13 at dorm 7, nandito ba siya sa hideout?" Ciello ask at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko sa kanya. "H-hindi siya nagpunta dito sa hideout Cielo," kinakabahang sagot ko sa kanila.


"Patay tayo dyan," sabay na sabi ng dalawa at napakamot ng ulo si Cielo dahil doon and I hurriedly get my phone and dialled her number.


"Sumagot ka Naya." I dialled her number pero hindi siya sumasagot. Wala pa naman sa sarili ang mga kasama ko, I look at my wristwatch.


"A-ah guys? 5:50 na, hide and seek game ngayon, Are you staying? Mauuna na kami," I said at napalingon agad ang mga kasama ko sa akin at lumapit na rin si Fredrick, Simon at Frion sa akin.


"Hayaan na muna natin sila, wala tayong magagawa diyan," Fredrick said to me. "Mauuna na kami Fredrick ha hahanapin ko si Naya? Kausapin mo na lang sila," bulong ko sa kanya at nanlaki naman agad ang mga mata niya.


"Nawawala si Naya? Bakit hindi mo sinabi agad? Tara na!" Nagulat na lang din ako sa sigaw ni Fredrick at sa paghila niya sa akin palabas kaya hindi na ako nakapag-salita pa. Bahala na nga, si Naya na lang ang iisipin ko. Nasaan na kaya siya?






(Naya's POV)



Tumunog na ang kampana, hudyat na magsisimula na ang hide and seek game. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at hinarang ang mga inaabangan ko kanina pa. Nagulat ang mga tauhan niya pero tila hindi man lang siya nagulat sa akin.


"Papatayin mo na ba ako ngayon?" tanong niya sa akin at tiningnan ko lang naman siya. "Who created that shit drug?" I ask pero natawa siya sa tanong ko na dahilan para lalong mapakuyom ang kamao ko.


"Itanong mo sa mga nakatataas, close naman kayo noong head guard hindi ba?" he answered at base sa mga sinabi niya siguradong minamatyagan nila ako o sina Cyan, sigurado na ako sa bagay na 'yon. "Simula ng dumating ka, nagsimula na rin silang lumabas," sagot ko sa kanya pero lalo siyang sumeryoso.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon