GANGSTER 71

60 3 0
                                    

(Naya's POV)





Day 10 - Spinning wheel game (6:00 pm - 5:00 am)
Participant: Ivan San Jose


Today is November 10 and it means spinning wheel game and Ivan is our Participant. Isa na naman sa Hellem gang ang maglalaro pero masiyadong tahimik ang Hellem ngayong araw, probably because he's the participant. Saka kasama siya sa Mythical members ng Hellem, they cant afford to lose him now. At kaya nananahimik na lang din kami ay dahil sa kanila.


"K-kuya Red?" Mabilis na tumingin sa akin si kuya Red matapos ko siyang tawagin. "Naya?" nagtatakang sabi niya at marahil ay nagulat siya na makita ako dito sa hideout.


Sabagay, I was expecting also na walang tao dito.


"Condolence nga pala kuya Red."


Napatitig siya sa akin ng ilang segundo bago siya ngumiti sa akin ngunit kasabay iyon ng pagtulo ng luha niya.


"Paano mo nalaman?" tanong niya sa akin. "Naisip ko lang pinagmamasdan ko kasi kayo kahapon, nakikita ko sa buka ng mga bibig niyo ang pinaguusapan niyo kahit hindi ko naririnig," I answered.


Muli naman siyang ngumiti sa akin dahil sa sinabi ko.


"She choose to come with James kaysa sa akin na kapatid niya Naya," he said again at hindi naitago ni kuya Red ang mga luha niya pero ayos lang naman sa akin iyon.


"May relasyon po ba talaga sila?" muling tanong ko at tumango lang naman siya sa akin. "Bakit po sila tumiwalag?"


"Nangyari 'yon matapos ang insidente three years ago. Kung bakit ay hindi rin namin alam, Naya. Bigla na lang nilang ginawa 'yon but I knew may kinalaman si Vincent tungkol doon," he said. "But still, wala akong kwentang kapatid Naya. Pinatay ko ang sarili kong kapatid, ako ang Kuya niya dapat iniligtas ko siya," muling iyak ni kuya Red sa akin.


Alam ko at nararamdaman kong malungkot na malungkot siya ngayon kaya pinipili niyang mapag-isa.


"Kuya? Hindi ikaw, hindi mo siya pinatay. She choose that, she's ready for whatever reason is that, but maybe for love?" pagpapakalma ko sa kanya. "No, I choose that, Naya. Ginawa ko ang bagay na 'yon dahil ayokong mangyari sa kanya ang tulad ng nangyari kay Joshua. I saw her red eyes Naya, tulad nila ay infected na rin siya," he said again.


Iyak na lang ng iyak si kuya Red matapos niyang sabihin 'yon and I'm just stunned here. So mas pinili niya pala na mamatay na lang si Scarlet kaysa makapanakit pa ito ng iba at magdusa pa ito dahil sa venom X?


"Ganoon naman talaga Kuya hindi ba? May mga sakripisyo talaga tayong ginagawa para sa ikabubuti ng lahat. Kahit masakit, pero para sa mas nakararami we sometimes need to sacrifice. Kayang-kaya natin to Kuya ha? Malalampasan natin ito," I said to him saka ko siya nginitian.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon