GANGSTER 63

75 4 0
                                    

(Naya's POV)





"Seryoso kasi ako, I just wanna know," I said on Eos pero parang wala naman yata siyang balak na sagutin ang tanong ko. "Bakit nga kasi?" tanong niya sa akin pabalik.


"Nangyari na 'to dati somewhere before, someone gave me gummy candies with stick-o na nakalagay sa parehong paper bag. Hindi ba coincidence lang?" I said at natawa rin agad siya sa akin while I'm just looking at him. "We've met on the twin's graveyard, I gave you the same and hunkies," he answered.


Nakatingin lang ako sa kanya at muli siyang ngumiti sa akin. Iniisip ko ang araw na 'yon, siya pala ang lalaking 'yon, so its not a coincidence.


"Pinadadalhan din kita ng ganyan noong nasa labas pa ako pero natigil na 'yon noong bumalik na kami sa school," he said again. Siya rin pala ang nagpapadala sa akin noon? Tama ang hinala ko na iisa lang sila.


"Bakit?" tanong ko sa kanya na ikinangiti niya lang. "Kasi ayokong nalulungkot ka tulad ng kung papaanong ayaw ng kambal na malungkot ka," he said to me na pakiramdam ko ay ikinabilis lalo ng tibok ng puso ko.


"Bakit hindi ka nagpakilala sa akin Eos?" tanong kong muli sa kanya. "Takot ako noon Naya, natatakot ako kasi alam kong kasalanan ko ang pagkamatay nila, natatakot ako na magalit ka rin sa akin at sisihin mo rin ako. Wala akong lakas ng loob noon na magpakilala kasi pakiramdam ko hindi pa 'yon ang tamang panahon. Kahit noong malaman ko na pumasok ka sa school ay wala pa rin akong lakas ng loob na lapitan ka at magpakilala. Sa totoo lang ay madalas akong umiiwas noon, takot na takot ako noon na makasalubong kita pero ganoon yata talaga ang tadhana, madaya."


Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya, kitang-kita ko rin ang lungkot niya.


"At isa pa ako dapat ang nag-protekta noon sa kanila 'di ba? Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng bangungot na 'yon Naya, hanggang ngayon malinaw ko pa rin silang naaalala. Iyon na lang din ang alam ko na magagawa ko ang pasayahin ka, habang naghahanap pa rin ako ng hustisya sa pagkamatay nila. At alam mo, ikaw lang ang nagpapaalala sa akin na pagkatapos ng bangungot na 'yon may magandang nangyari Naya. So just smile for me okay? Smile for me, habang sabay tayong lumalaban," he continued and I hug him, and I felt him hug me too.


"I will do anything for you Naya, we lose the twins already and I will never ever lose you Naya. Hinding-hindi ako papayag na mangyari 'yon," he said again at ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya sa yakap at mga salita niya. Alam kong gagawin mo 'yon Eos, alam ko.


"Thank you, thank you so much Eos, lalo na sa mga gummy bears na nagpapasaya sa akin." Bumitaw na siya sa yakap saka niya ako pinaningkitan ng mata. Natawa lang naman ako sa asal niya. "Ayon, iyong gummy bears talaga ang nagdala ng lahat." Natawa muli ako at natawa rin siya sabay ngiti sa dulo.


"Ako si super gummy!" Natawa muli ako nung kumuha siya ng gummy bear at ipinakita niya 'yon sa akin saka siya nagiba ng boses. "So ano ako? Heroine?" tanong ko sa kanya saka ako kumuha ng gummy bear na red.


"Ikaw ang prinsesa sa mataas na tore ng mga stick o." Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. "Mas malala pa pala ang imagination mo sa akin eh," I said at natawa rin siya sa sinabi ko.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon