GANGSTER 60

92 3 0
                                    

(Naya's POV)





Umalis agad kami sa DRU pagkatapos naming maghanda ng mga gamit namin, hindi na rin naman kami nagdala ng mga damit dahil sa bahay lang ang punta namin, sila naman daw ay kukuha na lang ng damit sa mga bahay nila. Mahaba ang byahe, pero sinundo kami ng isang van na pag-aari nila Eos kaya sama-sama pa rin kami at hindi na kami nahirapan pa.


"Whoah! Its been so long since the last time na nakalabas ako," tuwang-tuwa si Fredrick ng sabihin iyon.


Halata nga na excited siya samantalang kanina parang ayaw niya pang sumama. Sa ngayon ay medyo madilim pa pero nagaagaw-dilim at liwanag na, isang panibagong umaga.


"Oo nga Fredrick, ngayon na lang ulit tayo nakalabas," Helena also said.


Tuwang-tuwa sila, tamang-tama lang na niyaya ko sila. Sabi pa nga ni Ciello kanina its a once in a lifetime chances. Kaya kung ano man ang ginawa nila Eos para makuha ko agad ang passes, nagpapa-salamat talaga ako ng malaki doon. Alam kong may ginawa siya, hindi lang ako ang gumawa ng paraan, alam kong may ginawa siya para payagan kami.


"We will also visit Joshua if we have time, okay?" Eos suddenly said.


Lahat naman sila ay naramdaman kong lumingon kay Eos and they all nod in excitement immediately.


"Eos? susunduin kami sa plaza square ng mga kuya ko, ibaba mo na lang kami doon ni Naya," Apollo suddenly said at ngumiti lang naman si Eos sa kanya. "No, hindi na kaylangan didiretso muna tayo sa inyo bago kami kumuha ng mga gamit namin. Iyon naman ang purpose ng paglabas natin hindi ba?" Eos said to him.


Napangiti na lang din naman siya at nananatili lang din akong tahimik habang nasa gitna nila. Tumutok na rin ulit si Apollo sa phone niya, kausap niya siguro ang isa sa mga Kuya niya.


"Naya, are you okay?" Nyx ask na nasa likuran ko.


Nakaupo kasi kami sa upuan na kasunod ng drivers seat. Si Styx ang katabi ng driver, nasa likuran naman namin sina Nyx, Helena at Ciello at nasa likod nila sina Fredrick, Simon at Frion.


"Yeah," tanging sagot ko kay Nyx.


Tinapik niya lang din ang balikat ko pero hindi na ako nagsalita. Humilig na lang din ako sa balikat ni Eos para makapag-pahinga kahit sandali dahil busy si Apollo sa cellphone niya, hindi naman nagreklamo si Eos doon.


Mahaba-habang byahe rin ang tinahak namin bago namin narating ang Myren's residence, its Lolo and Lola's house, dito rin ibinurol ang kambal kaya ayaw na ayaw ko rito. Sa unang gate ay bumaba lang si Apollo at nagpakita sa mga bantay, sa main gate naman ay nagpakita lang siya muli sa mga ito kaya pinapasok na agad kami.


Dumiretso lang din naman ang driver saka kami ibinaba sa harap ng mansiyon bago siya umalis muli, susunduin na lang daw muli sila ng driver na 'yon mamaya. Pagbaba pa lang namin ay agad ng nagtipon ang mga butlers namin at sinalubong agad nila kami, napatigil lang naman ako at hindi ako gumagalaw.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon