GANGSTER 76

55 4 0
                                    

(Naya's POV)




Day 14 - Duel Game (6:00 pm - 5:00 am)

Participants: Helios Knight Vs NayaMaine Myren
Shara Aguirre Vs Shanaya Imperial
Frion Salazar Vs Wilmar Robertson
Myra Vibanco Vs Acezen Medina
Joel Escarmosa Vs Lawrence Valdesco




Pagkatapos kong kumain ay naghintay lang kami ng ilang sandali pa bago kami lumakad, kay Ate Ezra na lang din ako sumabay ngayon at hindi kila Eos dahil iniwanan nila ako kanina.


"Naya?" mayamaya ay tawag sa akin ni Ate Ezra kaya napatingin ako sa kanya. Mga senior college na ang mga kasabay ko ngayon. At sa totoo lang ay masarap silang kasama dahil napakatahimik nila. "Bakit ate?" sagot ko sa kanya.


"Kayo ni Frion ang lalaban ngayon," she said at ngumiti lang ako sa sinabi niya. "Oo nga po eh!" sagot ko saka siya ngumiti.


"Hindi ka kinakabahan?" she ask kaya natawa lang ako sa kanya. "Hindi po, may tiwala naman ako kay Frion at may tiwala din sila sa akin." I answered saka ako ngumiti kay ate Ezra.


"Huwag mo 'kong ngiti-ngitian dyan ah!" she said again at agad din akong natawa sa sinabi niya. "Bakit naman ate?" natatawang tanong ko sa kanya.


"Kinakabahan ako sa ngiti mo, ganyan ka din noong nag-collapse ka sa akin," she answered at natawa akong muli sa kanya dahil sa sinabi niya, sabay takip ng bibig ko ng tumingin sa amin ang mga nasa unahan namin.


"Dito ka!" utos ni Eos sa akin pero hindi ko siya pinansin.


Mayamaya ay nagulat na lang ako dahil hinila niya na lang ako basta basta pero hindi ako nagsalita at kunwari ay galit pa rin ako. Ikinunot ko na lang ang noo ko at nagsalpak ako ng earphone habang magkahawak kamay kaming naglalakad. Nakakahiya talaga ang mokong na 'to, pati ba naman ako ay dinadamay niya pa sa mga kalokohan niya.


"Tadyakan ko kaya 'tong si Kuya at Naya para lumipad na sila paalis dito, nakakainis eh!" hiyaw ni Nyx sa amin na tinawanan lang ng mga kasamahan namin. "Ano namang problema mo Nyx?" tanong ni Eos sa kanya.


"Kayo na HHWW tsk!" singhal ni Nyx sa Kuya niya. "HHWW?" takang tanong ni Eos sa kanya.


"Holding Hands while walking, tsk." Natawa lang si Eos sa kanya. "Mainggit ka na lang!" pangaasar ni Eos sa kapatid niya at kunwari ay hindi ko sila naririnig bahala na sila.


Mayamaya ay napakunot ang noo ko ng may humila ng earphone ko.


"Bakit?" tanong ko kay Apollo saka ko kinuha ang earphone ko sa kanya. "Its your fight with Helios!"


Hinila ko ang kamay ko kay Eos, saka ako namulsa.


"Apollo? Hindi ako kay Helios mamamatay gets mo?" I said at ngumiti lang naman siya sa akin.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon