GANGSTER 34

6.1K 130 0
                                    

(Naya's POV)





Kanina pa simula ang ceremony, actually ay naipakilala na kami sa lahat ng hellem gang members at na-announce na sa kanila na official members na rin kami ng gang. Nagkakasiyahan na rin sila maliban sa akin, nakatago lang din kasi ako sa isang kwarto na may kung ano-anong gamit. Mas gusto ko pa kasing mapagisa kaysa naman makasama sila na alam ko naman sa sarili ko na hindi ko gusto.


"Who are you?" Nilingon ko agad ang nagtanong sa akin, at nakita kong may babaeng pumasok sa kinaroroonan kong kwarto. Ngumiti rin siyang bigla sa akin, pero kinunutan ko lang din siya ng noo. "You're Naya right? I guess you are, ikaw lang naman ang wala doon, hinahanap ka na nila sa labas kanina pa," she said again pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya.


"Hayaan mo sila, ayoko doon," simple kong sagot at natawa lang din naman siya sa akin at hindi na nagsalita pa. Napalingon na lang din akong muli sa kanya ng may kuhain siya sa cabinet na malapit sa akin. "Gusto mo bang magpa-tattoo?" tanong niyang muli sa akin marahil dahil napansin niya na tiningnan ko siya, napakunot naman agad ang noo ko dahil doon.


"Nagta-tattoo ka?" hindi makapaniwalang tanong ko at ngumiti lang din naman siya sa akin. "Yes, isa ako sa mga nagta-tattoo sa mga taong nais maging miyembro ng gang namin, but unlike them isang design lang ang pwede kong i-tattoo," paliwanag niya.


"Is it their identity here?" tanong kong muli sa kanya. "Yeah, we have 5 design na pwedeng pagpilian pero 'yong pang-lima, iyong pinaka-masakit sa lahat ng tattoo at iyon ang tina-tattoo ko," paliwanag niya ulit.


"Let me see," I said. Ngumiti lang din naman siya sa akin at may ipinakita siyang apat na litrato sa akin, iyong isa ay tiger, 'yong isa ay eagle, 'yong isa ay snake, at 'yong isa ay shark.


"That four was representing something on this gang, If you chose tiger, ibig sabihin noon lumalaban ka gamit ang lakas pisikal, ang eagle ang gumagamit ng weapons like baril, bow and arrows, katana at kung ano-ano pa, iyong snake naman 'yong mga magagaling sa plano, pagkuha ng impormasyon, pagha-hack, kahit ano, 'yong mga shark iyon 'yong magaling sa lahat," mahaba niyang paliwanag na ikinakunot ng noo ko.


"How about the last one?" I ask at ipinakita niya agad sa akin ang litrato ng maliliit na black butterfly na napaka-ganda talagang tingnan saka siya ngumiti. "This was the most beautiful design here, pero 3 years na ang nakalilipas simula noong huling may magpa-tattoo nito sa akin at sa kasamaang palad ay patay na sila," pagmamalaki niya na naging malungkot sa huli.


Bakas na bakas ang lungkot sa kanya, lungkot na katulad ng dala-dala ko mula noong mamatay ang kambal.


"What does it mean?" I ask at bigla naman siyang ngumiti muli sa tanong ko. "Extremely desire for freedom, freedom from this school, from this hell, freedom from everything," she answered.


Pinagmasdan ko muling mabuti ang tattoo na iyon, ganoon din iyong sinabi nila sa akin noong ipinakita nila ang tattoo nila at ganitong-ganito din iyon.


"I want this one, can you do it for me?" I said to her na halata namang ikinagulat niya. "Y-you sure?" tanong niya na ikinangiti ko lang to assure her.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon