GANGSTER 22

6.6K 143 2
                                    

(Naya's POV)





"Palitan kaya natin ang bida?" mayamaya ay sabi ni Frion dahilan para mapalingon din ako sa kanya. Maging ang mga kasama namin ay agad na napatingin sa kanya at agad na natahimik, napakunot din agad ang noo ko dahil nakita kong namula si Frion hanggang sa tenga niya. Pabor naman sa akin 'yon hindi ba?


"Bakit Frion? Okay naman ang unang eksena ah, ang galing niyo nga eh," tanong agad sa kanya ni Nyx. Halatang nagtataka rin siya at mukang kinakabahan siya sa anumang sasabihin ni Frion. "Ang cute kasi ni Naya, nadadala ako, I cant focus. Baka mamaya kapag kaylangan ko ng maging seryoso ay mapangiti na naman ako," Frion suddenly said.


Tinukso naman agad nila kami dahil doon, at agad lang naman siyang napakamot ng ulo. Napaka-straight forward talaga ng tao na 'to, walang preno-preno eh, hindi talaga siya nausuhan ng paligoy-ligoy. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila, pakiramdam ko kasi ay lalo akong nahiya sa sarili ko, bullshit.


"Whats the next scene anyway?" mayamaya ay tanong muli ni Frion. "Ah! Sa dorm na natin 'yon iso-shoot. The next scene is basketball tournament na at nagche-cheer kami nila Nyx para doon at si Naya ay nakaupo lang sa bleachers," Cielo answered.


Tumango na lang si Frion sa sinabi niya at naupo na lang din ako sa bleachers kasama sina Apollo, dakilang extra na talaga sila, for all I know tuwang-tuwa naman sila doon dahil sabi nga nila kanina ay exposure iyon. Ang ibang mga kaklase rin naman nina Styx ay naupo rin sa bleachers kasama namin dahil sa pakiusap ni Nxy sa kanila at naiwan ang iba sa baba para kunyaring sila ang mga players, nasa pinakaunang hanay naman ng bleachers sina Nyx at doon magche-cheer kila Frion.


"Teka Naya? Naka-T shirt ka ba?" Cielo ask. Tumango lang ako kay Cielo saka muling napakunot ang noo ko dahil doon. "Wear off your jacket," she said again.


Ginawa ko na lang agad ang sinabi niya para mabilis na ring matapos ang kabaliwan na ito dahil nasusuka na rin ako sa ginagawa namin. I then wear off my jacket saka ko binaligtad ang cap na gamit ko na nakapagpangiti naman agad sa kanya.


"Okay, game!" hiyaw muli ni Cielo, "3, 2, 1 action!" Nagsimula ng umarte ang lahat dahil sa sinabi niya, kunwari naman na naglalaro na sina Frion tapos nagche-cheer sina Nyx doon sa baba and I'm just quietly watching Frion na masayang-masaya.


"Okay, and cut!" hiyaw muli ni Ciello. Tumigil na rin agad ang lahat dahil doon.


"The next scene was needed to be done sa hallway, tapos another scene sa dorm, The last part paano?" muling paliwanag ni Cielo. "Aba Cielo bahala ka na diyan, suggestion mo lang naman ang sinusunod namin, malay ba namin dyan?" agad na sagot sa kanya ni Nyx. Nagtawanan lang din naman sila dahil sa sinabi ni Nyx.


"Gawin na lang nating flashmob 'yong music video, tapos nagsasayaw sila Apollo, tapos si Naya ay kumakanta. Then kunwari katatapos lang ng game at nanalo kami, tapos biglang dadating sila Naya tapos gagawin yon. Iyong huling part maglalabas ako ng banner na may I love you na nakalagay, then 'yong mga shinoot natin, gawin na lang nating flashback kunwari naaalala 'yon ni Naya habang kumakanta siya," mahabang suggestion ni Frion na ikinatingin din namin agad sa kanya.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon