(Nyx's POV)
"Ate ayoko na, help me, help me!" Marielle cried while still hugging ate Selene. Hanggang ngayon ay umiiyak siya, kanina pa siyang umiiyak mula pa lang ng magising siya at ang tagal bago pa siya nagising.
"Pinilit lang ako ni Andrea, pinaiinom niya ako ng gamot, tinatakot niya ako Ate, sinasaktan niya 'ko, Ate? Help me, Help me end this! Maniwala ka sa akin ate! Maniwala kayo sa akin! Hindi 'ko sinasadya! Hindi ko alam!" she yelled again, malalakas ang mga iyak at hikbi niya, nilalamon ng mga hiyaw niya ang buong clinic ni ate Selene.
"Come on Marielle, listen to me, wala na si Andrea, wala na siya okay? Listen to me, wala ng mananakit sa'yo, magiging okay ka na. Now I want you to tell me, alam ko noon ka pa may nais sabihin sa akin at hindi mo lang masabi 'yon, now tell me Marielle, Don't be scared anymore," ate Selene said to her and Marielle hug ate Selene habang nakatanaw lang ako sa kanila.
"Noon pa man, plano niya na ang sumali sa HELLEM at sirain ang gang na 'to. Noong una ay napipigilan ko pa siya Ate, pero habang tumatagal ay lalo lang siyang lumalala. May sakit sa pagiisip si Andrea, and she get that after that incident, nagkaganoon siya noong mamatay ang baby niya, because she was pregnant with Vincent that time. Do you still remember them? at sinisisi niya kayo at ang mga Myren sa nangyari, kaya noong nalaman niya na Myren si Apollo at Naya ay lalo siyang naging agresibo," Marielle started confessing.
Napakunot naman agad ang noo ko sa sinabi niya, so noon pa man ito na ang plano nila at hindi man lang nahalata iyon nila Kuya?
"Nagiging matino lang siya dahil sa gamot pero alam kong baliw na siya at wala na siyang lunas, pero umasa ako, umasa ako na magbabago pa siya. Pero noong dumating 'yong dalawa nagsimula na siyang mag-painom ng kung ano-ano sa akin. Akala ko naman ay sleeping pills lang iyon dahil alam niyang may insomnia ako, pero habang tumatagal ay nakakahalata na ako. Tapos noong nalaman ko kung anong gamot ang pinaiinom niya sa akin, I confronted her pero tinakot niya ako na papatayin niya ako. I know her Ate, baliw siya at kayang-kaya niyang gawin 'yon," she continued at muli siyang umiyak.
Napaiwas naman agad ako ng tingin sa kanya saka ako napabuntunghininga dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.
"Pero hindi ko pa rin matanggap 'yon hanggang ngayon ate, kasi magkaibigan kami eh, siya ang nagdala sa akin dito. Hindi ko alam na kaya niyang gawin 'to sa akin, hindi ko matanggap. Umasa ako na magbabago pa siya, umasa ako Ate, pero hindi 'yon nangyari. Ang tagal ko na ring hinihintay ang araw na 'to Ate," Marielle cried again.
I knew it was so painful for her, nakikita ko 'yon sa kanya dahil alam ko naman na mabait siya, masakit sa akin ang bagay na ito sa kanya pa kaya?
"Iyong nangyari sa gym hindi ko alam ang ginagawa ko noon, ang naaalala ko na lang ay 'yong nasa labas na kami. Sorry talaga, hindi ko alam ang ginagawa ko patawad, patawarin niyo ako," Marielle said again.
Nagkatinginan kami nila Kuya pero mabilis din akong napaiwas ng tingin, for two years? Nakapagtago siya at nakapag-panggap? For two years naloko nila ang mga kasamahan namin? At hindi ko rin akalain na nagpapasok sila Kuya ng mga traydor sa gang na 'to.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Mystère / ThrillerPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...