GANGSTER 13

7.5K 176 1
                                    

(Naya's POV)




"Hindi mo ba alam na ang pinagti-tripan mo ay kaibigan ko?"


Nagkatinginan kami ni Frion dahil sa umalingawngaw na sigaw na iyon, kahit hindi ko pa nakikita ang nangyayari ay alam ko kung kanino galing ang sigaw na 'yon.


"Who's that?" biglang tanong ni Nyx na parang takang-taka pa. Siguro ngayon lang siya nakarinig ng ganyan kalakas na sigaw.


"Si Fredrick 'yon, lagot na bilisan na natin Naya," pagkasabi noon ni Frion ay mabilis na siyang humakbang kaya mabilis din akong sumunod sa kanya.


Humabol din naman agad si Nyx sa amin, pagpasok namin ay hindi na kami nahirapang hanapin sila dahil sila lang naman ang mga nakatayo sa loob dahil lahat ay busy sa pagkain nila. Naku naman, ano na naman ba 'to?


"Whoah! Ang dami nila," sabay na sabi ni Frion at Nyx ng makita ang mga kalalakihang kaharap nina Fredrick ngayon.


"Sila na naman?" nagtataka ko namang sabi.


Napalingon lang naman 'yong dalawa sa akin noong sabihin ko iyon, pero hindi ko na sila pinansin pa. Hindi ba sila nadadala kahit kaunti?


"Kilala mo sila?" sabay na tanong noong dalawa sa akin. I nod at them then I sigh. "Sila 'yong mga binugbog ni Apollo noong nakaraan noong bagong dating kami dito," agad kong paliwanag sa kanila.


Lumapit na kaming tatlo sa kanila pagkasabi ko noon, kaylangan na naming pumagitan, dehado kami sa paramihan.


"Insan? Wah! Insan?" palahaw agad ni Apollo pagkakita niya sa akin.


Agad din siyang nagtago sa likod ko ng makalapit na kami sa kanila. Nilingon naman agad ako ng mga mokong na 'yon ganoon din ang mga kasama ko, ang kakapal ng muka.


"Daanin na lang natin sa quadrangle 'to, mamayang alas singko. Ang gang niyo laban sa gang namin," nakangising sabi ng lider ng kabilang grupo kay Fredrick.


Matapos niyang sabihin iyon ay saka siya tumingin sa amin ni Apollo. Maraming nakamasid sa amin, lahat nanonood, hindi pwedeng hindi 'yon tanggapin.


Hindi sumagot si Fredrick, hindi na rin nagsalita ang kahit sino sa kabilang grupo at nagsilayas na rin agad sila pagkatapos noon. Fredrick then look at me, on Apollo, even on Simon and Frion, maybe he's trying to tell us that we are doomed.


"Manonood ako mamaya," Nyx said, "See you later, Naya."


I look at Nyx ng sabihin niya iyon ngumiti lang naman agad siya sa akin. Tumakbo na rin agad siya palayo, paakyat sa second floor na hindi naman dapat niya puntahan, weird.


Bumalik naman na ang lahat sa kanya-kanyang pwesto matapos na umalis ng mga iyon, walang nagsasalita sa kanila, lahat sila ay tahimik. Frion then hurriedly ordered our food dahil ilang minuto na lang ang meron kami.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon