GANGSTER 42

5.5K 132 0
                                    

(Apollo's POV)





"Salamat dahil tinulungan niyo ako kay Naya." Napalingon sa akin ang mga kasama ko ng sabihin ko iyon habang nandito na kami ngayon sa sala ng dorm nila. "Simula noong mamatay ang kambal, she became stubborn and she never even listen to anyone lalo na kapag against sa gusto niya. Hindi naman siya ganoon dati, ang alam lang niya noon basketball, games, and etc."


Natawa sila sa akin dahil sa kwento ko, at ngumiti lang din ako ng tipid sa kanila. Kahit kasi ako I never even expect her to be like that also after what happens. Malayong-malayo ang Naya na nakilala nila sa Naya na kilala ko noon.


"Kahit sino sa amin walang nag-akala na magkakaganoon siya matapos ang pagkamatay noong kambal. Alam naman namin na napaka-bait niya ultimo nga ipis ayaw niyang patayin. At kahit magka-away kami lagi kasi paborito siya alam ko naman na deserved niya 'yon kasi nga mabait siya," I continued at nagtawanan na naman sila sa kwento ko.


"Ganyan talaga Apollo, may mga ugali ang tao na hindi agad natin nakikita sa unang pagkikita, parang si Naya 'yong ugali niya ngayon ang ugaling hindi niyo nakikita noon," ate Ezra also said at ngumiti na lang din ako sa sinabi ni ate Ezra habang nakangiti din siya sa akin.


"Tama ka nga siguro ate Ezra, hindi lang din siguro namin matanggap kaya hindi kami sanay," I agreed.


Siguro may mali rin kami sa part na 'yon siguro nga ganoon ang lahat. Nakuntento kami sa katotohanan na mabait siya kaya hindi namin matanggap ang ugali niya ngayon na malayo sa ugali niya noon.


"Kaya tama na 'yan, kumilos na kayo at maguusap-usap pa tayo. Kumikilos na iyong dragon doon dapat kayo rin," sabad ni Eos sa amin at natawa na lang din kami sa sinabi niya. "Tama si Eos, hindi pa tapos ang usapan," pagsang-ayon ni Styx sa kanya.


"Pero nasa iyo nga ba iyong picture ni Naya sa tagaytay?" I ask him at nagtawanan na naman sila sa sinabi ko.


Pinaningkitan ko lang din naman siya ng mata at napaiwas lang naman siya ng tingin sa akin. Ngunit mayamaya ay nakita kong kinuha niya ang wallet niya at ipinakita niya ang picture ni Naya.


Pinagmasdan ko naman agad iyon saka ako napangiti, ito 'yong mga panahong kahit ipis ay hindi pa siya nakakapatay. Kuha ito sa tagaytay trip namin noon, at ang saya-saya niya rito kagaya namin. Ang ganda niya, manang-mana talaga siya sa akin.


"Patay na patay Eos ah, hanggang ngayon nakatago pa sa'yo yan? Anong nangyari doon sa itinapon ko na, na sinasabi mo kanina?" mayamaya ay sabi ni Styx at nagtawanan na naman ang mga kasama namin kaya napalingon ako sa kanila.


"Hindi ko naman akalain na makakasama ko ang babaeng 'yan dito, at akala ko ay binibiro lang ako ng kambal tungkol sa kanya. Isipin niyo nga, sino ba namang baliw ang irereto ang kapatid niya sa lalaking dito lang nila nakilala sa loob? Hindi ko gagawin kay Nyx 'yon," Eos answered na muli nilang tinawanan. "And besides, that picture they gave it to me. Hindi mahalaga sa akin kung sino ang nandyan," he added.


"Pero oo nga ano? Isipin niyo ang weird nga ng kambal sa part na 'yon. Kasi kung ipagmalaki nila si Naya sa atin at kung paano nila protektahan at ikwento sa atin ang kapatid nila, kitang-kita natin na mahal na mahal nila si Naya at proud sila sa kanya. Pero pagdating sa'yo ay nirereto pa nila si Naya."

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon