GANGSTER 45

6.1K 139 2
                                    

(Apollo's POV)





Naya need to wake up, its 9:30 pm already at kanina pa siya tulog. Anong gagawin namin kapag hindi pa siya gumising? Sabi ni ate Selene stable na ang heartbeat niya, wala rin naman siyang sugat, walang problema sa ulo niya, she's all fine, no wounds, no internal bleeding.


Siguro bugbog lang ang katawan niya, siguro masama lang ang pagkakabagsak niya pero okay naman siya. Kinabahan din ako sa nangyari sa kanya, saktong-saktong naisip kong puntahan siya, kaya pala parang kinakabahan ako. Kaya pala hindi ako mapakali kanina.


"Sorry talaga Apollo," paghingi ulit ng tawad ni ate Selene sa akin paglabas ko ng clinic niya.


Dahil doon kaya naisip ko na lapitan na lang din sila sa sala kung nasaan sila saka rin ako naupo doon.


"Its my fault, I tease her," sabad naman ni Eos and I just look at him. "You almost killed her, pasalamat ka at ganyan lang ang inabot niya kasi kung hindi magkakaroon ulit ng malakihang gang war dito, tandaan mo'yan Eos," I said at nakatingin lang naman siya sa akin kahit na pinagbantaan ko na siya.


"Tama na'yan, hindi naman namin alam na maaaksidente siya Apollo. Kasalanan namin na hindi kami naniwala na takot siya sa rabbit, pero 'yong aksidente hindi iyon sinasadya ng kahit na sino. Ilalayo na nga sana ni Eos si Miho sa kanya pero nadulas siya kaya siya nahulog sa couch," pagtatanggol sa kanya ni Styx. "Its not a bullshit excuse Styx, matatalino naman kayo hindi niyo pa nahalata na takot siya sa rabbit?"


Natahimik naman agad sila sa sinabi ko, marahil para na rin matigil ang argumentong ito dahil hindi rin naman ako magpapatalo sa kanila. Panay kamalasan na lang talaga ang nangyayari kay Naya kapag kasama niya ang mga 'to tsk.


"Bakit ba takot siya sa rabbit? Hindi rin kasi ako makapaniwala na may kinatatakutan siya. I mean kahit nga ikaw kayang-kaya ka niyang patayin sa sobrang tapang niya," Nyx ask kaya napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Dont you know? Nagagalit ako sa kapatid mo dahil alam niyang takot sa rabbit si Naya pero sinadya niya pa ring takutin ang pinsan ko. I knew those rabbits, they are Naya's rabbits before, regalo sila ng kambal sa kanya pero nagsimula siyang magka-phobia sa kanila dahil kinagat siya ni Miho, kaya nila dinala dito ang mga rabbit na 'yan," I answred at lalo silang natahimik dahil sa sinabi ko.


"See? Wala kang masabi? That's the point, you knew that Eos, imposibleng hindi mo 'yon alam and yet you dare? Alam mo iyang pantitrip mo nakamamatay. She just past out and almost cant even breathe, paano pa kaya kung mataas ang pinagbagsakan niya?" sermon ko pa rin kay Eos. "Naya is a human too, kahit gaano siya kalakas may mga kinatatakutan din siya," I added saka ko muling binalingan si Nyx.


Wala rin akong pakielam sa anumang sasabihin at mararamdaman niya, mabuti na lang at naagapan si Naya. That sight was bullshit.


"Palilipatin ko na lang ulit siya sa dorm namin, after all alam ko naman na ayaw niyo si Naya dito kahit na may dorm dito ang kambal. Ayoko rin namang mag-away tayo dahil lang doon, iginagalang ko pa rin naman ang katotohanan na ikaw ang leader ng gang na 'to," I said again.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon