(Naya's POV)
"Tuwang-tuwa sa'yo ang babaeng 'yon," bulong sa akin ni Apollo.
"Hindi ko rin alam kung bakit, pero ang importante malaki ang gulong naiwasan natin dahil sa kanya," bulong ko rin sa kanya.
Hindi na nagsalita si Apollo dahil sa sinabi ko, marahil naisip niyang tama ako, malaking kalaban ang naiwasan namin dahil lang tuwang-tuwa sa akin si Nyx. Mayamaya lang din naman ay nakalabas na kami ng gate, sinalubong din sila ng mga ka-gang mates nila na agad ding napako ang tingin sa amin. Dumeretso lang din naman kami at nauna na sa kanila, sakto rin naman na paparating na ang mga kasamahan namin.
"Bye Naya, bukas dadalaw ako sa inyo ah."
Napalingon ako dahil sa hiyaw na iyon, it was still Nyx. Nakangiti siya sa akin saka siya kumaway kaya tumango na lang ako sabay kaway rin sa kanya, tsk. I just hate it when she was talking to me and her whole gang was looking. I hate such attentions man.
Mabilis lang kaming nakarating sa cafeteria at naipon kami sa isang sulok, sa medyo madilim na parte kami nanatili. Konti lang ang may ilaw dito at gaya nga ng sabi ni Fredrick ay konti lang ang tao dito.
"Wala ba tayong target ngayon boss?"
Mayamaya ay tanong ng kasamahan naming si Jonathan kay Fredrick.
"Wala Jonathan, kung gusto mo ikaw na lang," agad na sagot ni Fredrick sa kanya.
"Boss naman."
Nagtawanan lang ang iba naming kasama dahil sa kalokohan noong dalawa, nagagawa pa nilang magtawanan sa ganitong kalagayan? Sabagay, mas maganda nga na hindi sila kabahan. Hindi ko na sila pinansin at nagmasid-masid na lang ako sa paligid, kaylangan kong magbantay dahil hindi pa rin namin maiiwasan na may makalaban.
There are different types of gangsters here, may malalakas, may maraming myembro, merong gulo lang ang hanap. Meron din namang tahimik lang, meron din namang grupo na nasa kanila na ang lahat at isa na doon ang grupo nila Nyx. Mayroon din namang mga mahihina at may mga average lang din na kagaya namin.
Kapag gangster ka halos lahat ay kalaban mo lalo na kapag dito sa DRU, at kapag mahina ka, kapag lampa ka, kapag takot ka o sumuko ka pagtatawanan ka na lang. Para sa iba walang gangster na mahina, kilala ang mga gangster sa pagiging malakas. Sila ang tipo ng mga mandirigma na hindi sumusuko kahit anong mangyari, para sa kanila karangalan ang mamatay ng lumalaban.
Para naman sa iba ang basehan ng pagiging tunay na gangster ay 'yong mga taong totoong walang sinusukuan at nananatiling matatag sa lahat ng laban. Ang tunay na gangster kahit kaylan hindi nangiiwan, sila ay mga mandirigma na may prinsipyo at isang salita. Sila ay mga mandirigma na nagaalay ng buhay sa anumang laban, sila ang mga taong may matibay dibdib at may puso sa laban.
They also believe that in the heart of every gangsters, there are different flames na nagpapaalab sa mga puso nila sa gitna ng anumang klaseng labanan. Para sa kanila, isa ring karangalan ang mamatay para sa kanilang gang. And I'm a gangster with no gang noon, pero napilitang sumali sa isang gang para maka-survive sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Mystery / ThrillerPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...