GANGSTER 35

5.8K 127 5
                                    

(Nyx's POV)





"Nyx? Official na!" tili ni Cielo saka niya ako sinalubong ng yakap at ganoon din naman si Helena. "Oo nga," tuwang-tuwa ko ring sabi saka kami nagyakapang tatlo.


"Teka si Naya nga pala?" tanong ko sa kanila saka ko sila binitawan, kanina pa kasi siyang wala dito. "Kasama ni Apollo," Ciello answered saka ko nilingon iyong itinuro niya. Saka ko nakitang magkakasama si Naya, Apollo, Frion, Simon at Fredrick na papalapit sa amin.


"Anong tattoo noong dalawa?" tanong kong muli sa kanila. "Iyong black butterfly," Cielo answered kaya napatingin agad ako kay Cielo ng sabihin niya iyon.


"Sigurado ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pinayagan sila ni Ate Ezra? Seryoso ba 'yon? Ang daya, gusto ko rin 'yon noon, kaso ayaw niya akong payagan at ganoon din si Kuya.


"Oo naman, ano bang meron doon sa tattoo na 'yon at parang issue masyado 'yon dito?" tanong ni Cielo na hindi ko na sinagot.


"Ganoon din daw yata 'yong tattoo noong pinsan ni Apollo at Naya, sinabi niya iyon sa amin kaya 'yon ang pina-tattoo nila," sabad ni Helena sa amin. "Ganoon ba?" I just said at hindi na ako muling nagsalita pa.


Hinayaan ko na lang din namang magdaldalan iyong dalawa doon habang nasa iisang mesa kami. Pero bakit nga kaya 'yon ang pinili nila? Saka bakit sila pinayagan ni ate Ezra?


"Tara sa mga 'yon?" Helena ask saka niya ako hinila palapit sa lima ng yayain niya kami ni Cielo, hindi naman na ako naka-angal dahil doon.


"Nyx?" pagsalubong sa akin ni ate Ezra saka niya ako niyakap. "Ate!" bati ko rin sa kanya. Naupo rin agad kami matapos naming magbitaw sa yakap.


"Hoy Nyx? Hindi pa ba matatapos ang party na 'to?" mayamaya ay reklamo sa akin ni Naya kaya natawa na lang din ako. "Nako Naya, hindi pa," sagot ko na lalo naman niyang ikinasimangot.


"Pakana mo ito ano?" she ask again saka niya ako tiningnan ng mga nanunuri niyang tingin at natawa lang din ako sa kanya dahil doon. Hindi niya kasi alam na may ganito naman talagang okasyon kapag may bagong myembro ang gang namin.


"Mag-enjoy na lang tayo, Naya. Halika na?" yaya sa kanya ni Fredrick at mayamaya ay hinila na kami ni Fredrick sa gitna ng kasiyahan. Nagsayaw rin agad sila habang kumakanta naman si Simon, kaya gumaya na lang kami sa kanila maliban kay Naya.


"Go Naya!" Fredrick cheered saka niya hinila si Naya palapit sa amin. "I'll go punch your face Fredrick, so shut up!" Naya yelled at him saka siya bumalik sa tabi ni ate Ezra habang nakataas pa rin ang kamay ni Fredrick kaya natawa na lang kami.


"Baby naman!" hiyaw ni Fredrick na ikinatawa ko lalo. "Baby-tayin na kita oras na ulitin mo pa 'yan, Fredrick," banta ni Apollo kay Fredrick na seryosong-seryoso. Damn, Apollo? Bakit ang cute mo lalo? What the hell?


"Lerax pareng Apollo, lerax," Fredrick said to him saka niya tinapik ang likod ni Apollo pero tinabig lang nito ang kamay niya. "G*go!" muling hiyaw ni Apollo sa kanya kaya nagtawanan na lang din kaming lahat lalo na at napataas na naman ng kamay ni Fredrick dahil kay Apollo. Siraulo talaga sila.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon