GANGSTER 53

80 4 0
                                    

(Nyx's POV)





Ilang araw na ang away ng mag-pinsan, although hindi namin alam kung nag-away ba talaga sila. Pareho kasi silang tahimik at hindi nagpapansinan o nagbabangayan, ganoon kasi sila kapag okay sila maingay, kaya iniisip namin na nagaway sila.


Palagi namin silang kasamang pumasok, mag-lunch at mag-training, pareho silang present lalo na sa training pero si Naya ay lagi lang namang nasa sulok gaya ng dati. Si Apollo naman ay biglang nagbago kasama siya sa training pero tahimik siya bihirang magsalita, laging nakakunot ang noo, mainitin ang ulo, ewan ko ba, kaya crush ko na talaga siya eh, pft. Ang angas niya.


"Tubig oh!"


Inabot ko kay Naya ang tubig na ini-alok ko sa kanya saka ako naupo sa tabi niya tinanggap niya lang naman iyon, lagi talagang naka-cap ang isang to, tinatabunan niya rin palagi 'yong muka niya.


"Naya?" I called her at alam kong nilingon niya ako kahit hindi ko masiyadong kita ang muka niya. Gumalaw naman ang ulo niya kaya alam kong nilingon niya 'ko.


"Alam mo rin ba na may inirereto sa akin ang kambal?" biglang tanong niya kaya hindi ko na naitanong ang itatanong ko. "Hindi ko 'yon alam Naya eh, ngayon ko lang din 'yon nalaman," agad kong sagot sa kanya.


"Yung lalaking gusto nila para sa akin? Tinanong ba nila kung gusto niya 'ko? Ako ba tinanong nila kung gusto ko 'yon? Hindi nga kami magkasundo noon," mayamaya ay himutok ni Naya, halatang-halata ang inis sa kanya. "Kilala mo na siya?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.


Si kuya Eos ba 'yon? Nakita ko noong nakaraan na nag-away sila may ibinato siyang litrato kay Kuya. Si Kuya nga kaya ang nasa litrato na 'yon? Tumango lang naman agad siya sa akin sa tanong ko.


"Alam mo ang magandang gawin dyan mag-usap na lang kayo para malaman niyo ang saloobin ng bawat isa," I suggest na agad niyang ikinatingin sa akin. "Ayoko ngang kausap 'yong Kuya mong baliw," reklamo niya sa akin na halos pabulong lang pero ramdam na ramdam ko ang inis doon.


"So, si Kuya nga ang lalaking 'yon?" Tumango lang siya sa akin and I tap her shoulder. "Naya? Hindi kayo magkakaintindihan kung hindi kayo maguusap, sira-ulo ang Kuya ko pero minsan naman mabait 'yon. Sabihin mo sa kanya na pagusapan niyo ang kambal makikipag-usap 'yon sa'yo."


Bumuntunghininga lang siya dahil sa sinabi ko at hindi na siya nagsalita pagkatapos ay niyaya ko na lang din siyang bumaba at dumiretso lang kami sa punching bag at nag-training na lang din.






(Naya's POV)



Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Apollo, at alam ko na ganoon din siya, para kay Apollo seryosong bagay 'yon lalo na at death wish 'yon ng kambal. Dati raw kasi sabi ni Apollo, palaging bukang bibig ng kambal na kapag namatay sila gusto nila magkakilala na kami ni Eos, okay lang daw na maging boyfriend ko siya kahit bata pa ako basta dapat magkatuluyan kami.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon