GANGSTERS 4

10.1K 239 4
                                    

(Naya's POV)





Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang two-story dorm na kahit sa labas ay eleganteng tingnan. Parang exclusive dorm ito at limited lang din ang mga nakatira, its like a subdivision style also. Pero sa tantya ko itong dorm na ito ang pinaka-maliit sa lahat, magkakamuka kasi ang dorms dito pero iba-iba rin ang laki at at hindi magkakadikit. Ayon sa mapa na nakita ko kanina, nasa east ang mga dorms and we are on the west part of the school.


"Ito na ang dorm niyo," the guard said.


Yumukod siya sa amin pagkasabi niya noon saka siya umalis, iba ang suot niya sa mga guard na nasa labas, bakit kaya? Saka bakit may bantay ang dark village? Is it really private?


Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na lang din agad ako sa loob, para sundan si Apollo na nauna na sa akin dala ang mga gamit namin. Pagpasok ko ay bumungad rin sa akin ang mas magandang ambiance ng lugar, malinis na rin dito at talagang maayos na.


"Ako na ang magluluto," Apollo said to me pagkapasok na pagkapasok namin kaya kinuha ko na lang ang mga gamit niya.


"I'll bring this upstairs," agad kong sagot ko sa kanya.


Tumango lang siya dahil sa sinabi ko kaya umakyat na lang agad ako sa taas. Pag-akyat ko sa hagdan ay agad ding bumungad sa akin ang maraming kwarto doon, maganda din dito, maganda ang style at maaliwalas, at parang pang-maramihan siya.


Marami ang kwarto dito pero kapansin-pansin ding mayroong dalawang malaking kwarto na namumukod tangi sa lahat, dalawang kwarto na nasa dulong parte pero hindi 'yon ang unang umagaw ng atensyon ko.


"Insan ano nga palang ---"


Ramdam kong natigilan din si Apollo sa anumang sasabihin niya at lumingon sa tinitingnan ko, mabilis ko ring binitawan ang mga dala ko at kinuha ko agad ang portrait na 'yon saka ko inilibot ang tingin ko sa mini sala.


Wala na akong nakitang ibang gamit nila kaya pinili ko na 'yong nasa kanan na kwarto at agad na pumasok doon. Pagpasok ko ay inilibot kong muli ang tingin ko sa kabuuan nito, sa hitsura pa lang kitang-kita mo na kung sino ang may-ari ng kwarto na 'to.


Mabilis kong ibinaba ang portrait na nakuha ko sa labas saka ako lumabas at pumasok sa kabilang kwarto, naabutan ko naman doon si Apollo, nakatingin din siya sa mga gamit na pamilyar sa kanya.


Mabilis kong hinakot ang lahat ng gamit doon na alam kong sa kambal at wala akong iniwan. Apollo tried helping me pero dinala ko lahat ng mga gamit na 'yon sa napili kong kwarto ng mag-isa.


"Insan?" tawag sa akin ni Apollo pero hindi ko 'yon pinansin.


Inilapag ko na lang din sa kama lahat ng gamit na nakuha ko, saka ko lang din namalayan ang mga luha na kanina pa pumapatak at ang mga hikbing ngayon lang kumawala. Hindi ako makapaniwala na nandito pa ang mga gamit nila.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon