GANGSTER 9

8.6K 188 2
                                    

(Apollo's POV)




"Apollo?"


Napalingon agad ako kay insan ng tawagin niya ako. Siya lang din naman ang kasama ko dito kaya alam kong siya lang ang tatawag sa akin, unless may multo dito? Wag naman sana.


"Bakit insan?" sagot ko sa kanya.


Baka kasi importante ang sasabihin niya, hindi naman ako tatawagin niyan kung hindi importante. Today is Tuesday at half day lang ang pasok namin pareho kaya tengga kami ngayon sa dorm, pero okay lang din naman kasi makakapaglinis din kami at makakapaglaba.


"Did the twins tell you something like a secret?" she asked.


Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Naya sa akin.


"Like what kind of secret?" nagtataka kong tanong.


Ang weird niya talaga. Bakit kaya ganyan ang tanong niya? Tapos seryosong-seryoso pa ang muka niya, naupo siya sa katapat kong couch dito sa sala katulad ko.


"Something like dark secrets," muli niyang sabi.


Napakunot namang muli ang noo ko, ano naman kayang dark secrets ang sinasabi niya? Don't tell me sinabi ng kambal sa kanya na naihi ako noon sa kama ko dahil sa sobrang takot sa palabas na pinanood namin ng kambal? Mga walanghiya talaga ang mga 'yon, secret lang namin 'yon ah?


"Dark secrets?" I ask habang sinusubukan kong mag-maang-maangan. No, hindi ako aamin. Ang nakaraan ay nakaraan na.


"Come on Apollo? you know the twins so much, kayo ang magkakasama sa kalokohan nila Kuya, alam kong may alam ka," muling sabi ni Naya.

Napakunot na naman ang noo ko dahil doon, ibang bagay ba ang tinutukoy niya?


"Oo alam ko na makalokohan kami, kaya lang ay hindi kita maintindihan" sagot ko kay Naya.


Mayamaya lang din naman ay napabuntunghininga siya, matagal siyang tumitig sa akin bago siya muling nagtanong.


"Are they gangsters?" muli niyang tanong sa akin.


Natahimik naman ako sa tanong niyang iyon.


"I don't know, yan din ang tanong na bumabagabag sa akin the moment that I discovered that this school was for gangsters, that's why I really decided to come with you," sagot ko sa kanya.


Natahimik naman agad siya sa sagot ko at natahimik na lang din ako matapos kong sabihin iyon. Noong namatay ang kambal Naya became distant, kaya mas marami akong alam sa mga bagay-bagay tungkol sa kanila dahil mas kaya kong lumapit at tumulong kay Tito noon sa pagiimbestiga, and we stop when Tito said we should pero si Naya naman ang nagsimula ng pagiimbestiga noon sa galit niya sa pagtigil ni Tito.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon