(Naya's POV)
"Nyx? Nyx?" Napalingon kami sa mga humahangos na mga kaklase ni Eos habang papalapit sila sa amin, ang bilis namang mamatay ng mokong na 'yon iIlang minuto pa lang naman ang nakalilipas ah. "Nyx? Si Eos, umakyat sa taas!" natataranta nilang hiyaw kay Nyx na agad namang lumapit sa kanila.
"Saang taas?" takang tanong ni Nyx sa kanila. "Sa bubong ng gym tatalon daw siya, nababaliw na ang kuya mo Nyx tawagin natin si ate Ezra!" hiyaw muli nila.
Nagtawanan naman agad ang mga kasama namin sa sinabi nila saka nila hinila si Nyx palabas ng gym, sumunod din naman agad sila sa mga 'yon at ako lang ang naiwan. Kalokohan, kung tatalon 'yang lalaking baliw na 'yan kanina pa sana 'yan tumalon, sus.
Naupo na lang ako sa bleachers habang hinihintay na marinig ang pagiyak ng mga 'yon pero nakainom na lang ako at lahat ay wala pa ring umiiyak. Napakunot din agad ang noo ako ng mayamaya ay biglang sumulpot si Apollo. Nagmamadali siyang lumapit sa akin at agad niya akong hinila palabas ng gym, hindi naman na ako naka-angal dahil doon.
"Pigilan mo siya, nababaliw na yata si Eos," Apollo said to me.
Pagdating namin sa labas ay nakita ko silang nagkukumpulan at kanya-kanyang tingala sa taas, napatingin din naman agad ako doon. What the hell? Ang tagal naman niyang tumalon.
"Tatalon ako!" hiyaw ni Eos doon sa taas.
Lumapit na rin naman kami ni Apollo sa kanila.
"Kuya? Maraming anak si Jiho 'yon na lang ang jowain mo kahit pakasalan mo pa sila walang tatanggi sa'yo, wala namang tututol, kaya bumaba ka na dyan!" hiyaw ni Nyx sa kanya na muntik ko ng ikatawa. "Ayoko! tatalon ako dito!" hiyaw niya pa rin.
"Buhay ka pa? Kanina ko pang hinihintay na magiyakan ang mga 'to, ano na?" agad kong hiyaw sa kanya.
Pinagtawanan naman agad siya ng mga kasamahan niya dito sa baba dahil sa sinabi ko. Kalokohan, anong akala niya nasa drama rama sa hapon kami na kapag gumawa siya ng eksena ay bati na kami? Baliw ba siya?
"Tumalon ka na ang bagal bagal mo naman kanina pa akong naghihintay dito, sino bang masasaktan at mamamatay kami ba? Gago, ang dami mong dada!" hiyaw ko sa kanya saka ako kumuha ng bato sa kalapit na puno at saka ko siya sinipat, "Tatalon ka o babatuhin kita?" hiyaw kong muli sa kanya habang seryoso akong nakatingin sa kanya.
"Tatalon ako!" hiyaw niya rin kaya tiningnan ko lang din siya. "Talon! Bilis ang tagal!" hiyaw kong muli sa kanya saka ako naghanda sa kunwaring pagbato.
"Bati na tayo! Naya? Bati na tayo!" hiyaw ni Eos saka siya kumapit sa hagdan na naka-attach sa bubong ng gym. "Tumalon ka!" hiyaw ko sa kanya habang hindi ko ibinababa ang bato.
"Bababa na ako, ito na bababa na ako!" hiyaw niyang muli saka siya nagsimulang bumaba ng hagdan. "Tumalon ka huwag ka ng bumaba, gusto mong tumalon 'di ba? Para maranasan mo na ring lumipad papunta sa impyerno!" muli kong hiyaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/118392174-288-k611312.jpg)
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Mistério / SuspensePrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...