(Naya's POV)
Day 12 - Hide and Seek (6:00 pm - 5:00 am)
Nakatanaw lang ako sa boundary ng quadrangle at mga buildings mula sa malayo, at nanonood sa mga taong abala sa paggawa ng bakod. Gumawa sila ng matibay na bakod na pansamantalang magsasara sa mga daan papuntang quadrangle.
Akala ko nga ay hindi pa rin papansinin nina Cyan ang sinabi ko pero nakakagulat pa rin ang hakbang nilang ito. Gumawa sila ng paraan, marahil ay naisip din nilang gawin ito para hindi sila paghinalaan na sila ang may pakana nito. Iyon ay kung sila talaga ang nasa likod ng venom x.
Kanina rin ay nagkaroon na ng announcement na ipinagbabawal na ang pagpunta sa quadrangle o kahit ang pagpunta malapit sa boundary nito. Wala rin namang maaapektuhang klase o activity dahil bakanteng buildings lang naman ang naririto malapit sa quadrangle.
They take this matters seriously now. Weird pero good move pa rin. Kanina nga ay may nakita rin akong infected na itinapon nila sa loob ng quadrangle, saka nila pinatay. Siguro ay gagamitin na rin nila ang mga bakod na 'yan para sa pagdispatsa ng mga infected.
Lumakad na ako palayo doon para bumalik sa dorm, dahil masyado na akong nagtatagal sa pagmamasid. Every morning kasi ay walang madalas na pagala-gala dito simula ng pumatak ang hell month, siguro ako lang. At dahil nga walang klase at walang academic activities, animoy abandoned school talaga ang kinaroroonan namin.
"Pinanood mo kami?" someone ask at nilingon ko agad 'yong nagsalita sa likuran ko. "Akala ko hindi mo seseryosohin," tanging sagot ko sa kanya.
"Naisip kong maganda ang mungkahi mo," he said again at napangisi na lang din ako dahil doon. "Darating ang panahon, hindi niyo na sila mako-kontrol kaya bilisan niyo Cyan," pananakot ko sa kanya kahit parang hindi naman siya tatalaban noon.
"Naisip ko na ang bagay na 'yan," he said again kaya hindi ko na lang din siya pinansin. Iniwan ko na rin sila at tumuloy na ako sa paglakad pabalik sa dorm namin.
"Saan ka ba galing?"
Hindi ko pinansin si Eos ng siya ang bumungad sa akin pagpasok ko sa dorm namin, binabagabag pa ako ng maraming bagay, tapos guguluhin niya ako? Naupo lang ako sa couch at kinuha ang phone ko dahil tumunog iyon kanina at saka ko lang nakita na nag-text si jowa. Natawa ako sa text niya pagkabasa ko noon kaya agad ko iyong nireplayan.
"Sino 'yan si Nigel ba 'yan?" Eos ask again saka siya sumilip sa cellphone ko kaya itinulak ko palayo ang muka ni Eos na ikinatigil niya. "Sino 'yan?" tanong niyang muli sa akin.
"Bakit ba ang gulo mo?" hiyaw ko sa kanya sa inis ko. "Sino 'yan?" he yelled again at nanlalaki ang mga mata niya sa kakahiyaw niya.
"Alam mo? Ang pangit mo!" I yelled at him at lalo namang kumunot ang noo niya sa hiyaw ko at ang kilay niya ay nagsasalubong na rin. "Huwag mo na nga akong pakialaman, si jowa 'yon, okay?" singhal ko sa kanya, pero lalong nangunot ang noo niya.

BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Mystery / ThrillerPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...