GANGSTER 70

76 4 0
                                    

(Eos's POV)





Napalingon kaming lahat sa pinto ng may nag-doorbell doon saka kami nagkatinginan. Nasa labas si Naya hindi ba? Sino naman kaya ang magdo-dorbell na 'yon?


"Ako na ang lalabas," Styx said pero pinigilan ko agad siya. "No, ako na," I also said.


Lumakad na agad ako palabas ng gate. At natanaw ko naman kaagad na may dalawang nakatayong lalaki sa harap ng gate ng dorm namin. Napamura rin agad ako sa isip ko saka ko dali-daling binuksan ang gate at tama nga ang hinala kong si Naya ang karga ni Cyan.


"What did you do to her?" hiyaw ko sa kanya at kinuha ko agad siya kay Cyan. He's with Blue na may buhat naman na isang lalaki na naka-cloak.


"Pinatulog siya ng lalaking 'to kaya siya nawalan ng malay, nagkataon lamang din na naririto kami dahil hinahanap din namin ang lalaking ito," paliwanag niya sa akin.


Dito niya dinala si Naya, alam na kaya nila na kasapi na namin sila?


"Who is he?" agad kong tanong sa kanila. Kamuka siya ng lalaking kinukwento nila ate Ezra na naka-cloak.


"We still don't know, may mga pumapasok talaga dito sa dark village kaya mag-ingat kayo," he said na hindi naman ako makapaniwala.


"Bakit? Paano? Dati naman walang ganito hindi ba?" tanong kong muli sa kanila. May magtatangka ba talagang pumasok dito?


"Inaalam pa namin," sagot niya agad sa akin. Bullshit.


"Magpapaalam na kami," sabad ni Blue sa amin.


Agad din naman silang umalis kaya ipinasok ko naman na si Naya sa loob.


"What the hell?" sabay-sabay na hiyaw ng mga nasa loob ng makita kami.


Dali-dali ko rin siyang inihiga agad sa couch and ate Selene hurriedly check her.


"Anong nangyari?" tanong agad ni Apollo sa akin. "Hinatid siya ni Cyan dito, pinatulog daw siya kaya siya nawalan ng malay. Totoo ngang may mga taong pumapasok sa dark village, at mukang alam na rin nila na kasapi na namin kayo Apollo," I answered.


Natahimik lang naman sila dahil sa sinabi ko, at mayamaya ay nagulat na lang din kami dahil biglang nagmulat si Naya.


"Saan ka ba galing? Anong nangyari sa'yo?" hiyaw ko sa kanya pero bumangon lang siya at nagpalinga-linga sabay hawak ng batok niya.


"Ang sakit noon ah," reklamo niya habang hinihimas ang batok niya.


"Okay ka lang ba Naya?" Apollo also ask pero hindi niya pinansin ang tanong ko at ang tanong ni Apollo.


Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon