GANGSTER 61

80 3 0
                                    

(Eos's POV)






Buti na lang may naka-stand by na doctor sa mansiyon nila at may clinic din sila sa loob kaya natulungan agad si Naya. Sabi ng doctor stress lang daw 'yon at pagod, pero okay naman daw siya.


"She was clinically diagnose with depression and she has so much anxiety attacks even before kaya minsan hindi na rin kami nagtataka kapag emotionally unstable siya," mayamaya ay sabi ni Apollo sa amin matapos ang mahabang katahimikan.


"Depression?" hindi makapaniwalang sabi ni Fredrick and Apollo just nod at him.


Natahimik lang din naman kami dahil sa sinabi ni Fredrick habang nakatingin kay Apollo lalo na ng tumango siya para sangayunan si Fredrick. Naiwan kasi kami dito sa living room sa second floor ng mansyon nila, at nasa loob ng clinic ang Mommy ni Naya kasama niya, ang iba naman ay nasa baba dahil sa mga bisita.


"Nakuha niya 'yon sa pagkamatay ng kambal at nasanay na kami na ganoon siya. After all mga kapatid niya 'yon, she is so much attach to them na para silang triplets. Kung close kami? They are more than that. She is too much attach to them to the point na hindi niya kinaya na mamuhay ng wala sila. She is dependent to them because they love her so much, nagkakasakit pa nga 'yan si Naya noon dahil matagal na wala ang kambal magmula ng pumasok sila sa DRU. She also has anger issues, and because of that she needed to study alone at home," kwento sa amin ni Apollo.


Hindi na ako magtataka na ganoon siya, showy rin kasi ang kambal kaya marami ang napapalapit sa kanila dahil sa caring sila. Alam ko 'yon dahil kahit sa amin ay ganoon sila.


"Apollo?" Nilingon agad namin 'yong tumawag sa kanya, its his brother. "Kamusta sa loob?" agad na tanong ni Apollo sa mga Kuya niya.


Kung titingnang mabuti kitang-kita ang layo ng agwat nila kay Apollo. Kaya siguro sila ng kambal at ni Naya ang close ay dahil doon. Naupo rin agad sila kasama namin ng lumapit sila sa amin.


"Stable na 'yong amazonang bata, wala talagang pagbabago ang isang 'yon," agad na sagot ng tinatawag niyang kuya Cronus. "Its still our fault, sinabi ko na kasi noon pa man kay Lolo na sabihin na agad sa dalawa ang totoo. Sinabi ko na sa kanya na gawin 'yon para hindi mabigla ang bata pero hindi siya nakinig," mayamaya ay sabad ng kuya Zeus ni Apollo.


Apollo sigh dahil sa sinabi ng mga kapatid niya then he look at us maybe saying na okay na siya. Hindi naman nagtagal ay umakyat na ulit 'yong parents nila, at mayamaya ay natanaw na naming lumabas na rin ng clinic ang parents ni Naya at ang Lolo nila.


"Magpa-paalam na muna kami, Apollo. I think we should go home first para makapag-usap usap na rin kayo," I said at tumango lang din naman si Apollo sa sinabi ko. Sakto namang lumapit na rin ang pamilya niya dito sa amin.


"Apollo? Anak? Asikasuhin mo ang mga bisita niyo, pakainin mo sila," mayamaya ay sabi ng Mommy ni Apollo, at ngumiti naman agad kami sa kanya. "Hindi na po ma'am, uuwi na rin naman po muna kami. Siguro po ay babalik na lang kami mamaya," agad kong sagot sa kanya at napakunot naman agad ang noo ng Mama niya sa akin.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon