EPILOGUE

199 3 2
                                    

(Cyan's POV)





I was busy walking and looking around this place na makailang beses ko na yatang nagawa ngayong araw. After months of renovation parang wala man lang nangyari na malaking trahedya dito at parang mas lalong gumanda ang school na 'to. Natawa na lang din ako ng maalala ko na masyado na akong nahahawa sa batang 'yon sa pagliliwaliw niya at sa hindi pagpasok.


"The program will start in any minute by now," I look at Blue and smirk at him ng maalala ko na naman ang mga pangyayari.


"Akala ko talaga mamamatay ka na," pangaasar ko sa kanya na ikinatawa niya lang din naman. "Masamang damo tayo, Cyan," he said to me.


Ngumisi lalo ako dahil sa sinabi niya at saka namin tinahak ang daan papunta sa pakay namin dito sa school. Maayos na maayos na ang lahat dito at mukang nagsisimula na ang program para sa pagtatapos. Naupo kami sa dapat naming upuan ni Blue matapos naming bumati sa ibang panauhin na katulad namin.


Nagma-martsa na ang mga ga-graduate, they are all Grade 12 senior high school at bukas pa ang graduation ng college. And were glad that we still manage to have a graduation pagkatapos ng lahat.


I look at Apollo when I saw him looking at me. I just simply smirk at him and look also sa iba niyang kasama. They all nod at me, kaya tumango na lang din ako sa kanila. Next class opening ay college na sila, at alam ko na kahit saan nila piliing mag-aral ay hindi nila makakalimutan ang lahat ng ngyari sa school na 'to.


But as of now, the ceremony continues at mababakas ang saya sa bawat isa sa kanila, at kahit kakaunti na sila we don't care ang importante ay ito.


"Our class Salutatorian, Simon Reyes." Tumayo na siya at umakyat sa entablado kasama ang ina, kami naman ay tumayo at pumalakpak.


"And our class Valedictorian, Apollo Myren." We rose again and clap habang naglalakad siya paakyat kasama ang ina at ama. Pagkatapos igawad ang diploma at medalya sa kanya ay tumayo na siya sa platform.


"Hindi ako magaling sa ganitong bagay, dahil hindi ako tulad nila Eos na convincing magsalita, pero hayaan niyo akong magsalita kahit ngayon lang sana." Ngumiti siya at itinuloy ang speech niya.







(Someone's POV)




"Alam niyo ba 'yong pakiramdam na parang ang perfect na ng lahat? Iyong tipong kumpleto ang pamilya mo, masaya ka, walang problema, may mga kaibigan, hanggang sa isang araw magigising ka na lang na wala na ang lahat ng 'yon," he continued.


Seryosong-seryoso siya sa speech na 'yon, mukang pinaghandaan.


"Magigising ka na lang na isang araw sira na pala ang lahat, nagkaroon na pala ng lamat ang maganda mong buhay. Dire-diretso ang problema, parang walang tigil, pero mananatili kang nakatayo sa kabila ng lahat. At akala mo okay lang na nakatayo ka, pero mali pala, kaylangan mo rin palang lumakad, kaylangan mong lumakad para makausad kasi kung hindi mananatilli ka na lang doon at ikaw lang ang magiging miserable," he said and he sigh at nakikita kong nangingilid na ang mga luha niya, iyakin talaga.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon