GANGSTER 57

74 3 0
                                    

(Naya's POV)





Kung kahapon ay dalawa ang infected at iisa ang namatay, ngayon ay isa lang ang infected at dalawa ang namatay pero hindi pa rin naman namin inaalis ang posibilidad na madagdagan pa 'yon. Sabi ko nga sa kanila lahat ng posibilidad ay pwede mong isipin sa mga oras na ito.


Ngayong araw lahat ng senior high students ng DRU ay nasa meeting hall. The dean's secretary has an announcement about what's happening in the DRU these past few days and it's strictly no classes today.


Kanina college daw ang nandito at ngayon ay kami naman. Magkakatabi rin kami nila Fredrick ngayon habang nakaupo kami, at tuloy-tuloy lang naman ang secretary ng dean sa pagsasalita sa unahan.


"What if Helios offered a gang meeting with me?" napalingon ako sa bulong ni Fredrick sa akin. Oo nga pwede ang bagay na 'yon dahil hindi naman alam ng lahat na kasapi na kami ng Hellem. "What will I do?" Fredrick ask again at tahimik pa rin naman ako and then I sigh.


"Did he ask you already?" I ask at narinig kong mahinang natawa ang katabi ko na si Nyx pero hindi ko na siya pinansin. "Malay mo lang Naya, sabi mo nga lahat ng posibilidad dapat nating isipin," he said again. That's nice, natututo na siya.


"Syempre iiwasan mo 'yon, alangan namang sumali ka sa kanila, baliw ka ba?" bulong ko rin sa kanya. "What if they do that to me also?" Fredrick ask na seryosong-seryoso pa rin and I just glared at him dahil doon.


"Papayag ba naman kami? Syempre hindi," I just answered. Bakas ang pagaalala sa muka ni Fredrick pero ngumiti siya sa akin, alam ko na nakakabahala talaga ang bagay na 'to alam kong 'yon din ang ikinababahala ng mga kasamahan namin.


"We will fix this things up as soon as we can so don't worry, and take care. So now go to your respective dorms and keep safe."


Nagsipagtayuan na kami dahil sa sinabi ng secretary ng dean saka kami sabay-sabay na lumabas sa hall. Lahat ay nagmamadali na makabalik sa kanya-kanyang dorms, bukod kasi sa 11:11 ito naman ang bago nilang kinatatakutan. May mga hindi natatakot, pero majority sa kanila ay alam kong takot.


Hindi kami naghiwa-hiwalay ng mga death scheduler members habang pabalik kami sa dorm namin. Sabay-sabay rin kaming naglakad at sumakay ng mini bus at pumasok sa dark village, tama 'yan dahil kapag nagpasaway sila ay ako na lang mismo ang papatay sa kanila.


"Nakakabahala talaga ang bagay na 'to," mayamaya ay sabi ni Cielo.


Binasag ng sinabi niya ang katahimikang nabuo sa aming lahat pero alam kong tama si Cielo. Nakakabahala talaga ang mga nangyayari, at kapag ganito kahigpit malamang ay hindi ako masiyadong makakakilos.


Hinayaan ko na lang silang magusap-usap habang nakikinig ako sa kanila, hinatid lang din namin sina Apollo, Cielo, Helena at ang iba pa sa dorm 13. Naroon na rin naman sina ate Ezra at kuya Red.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon