GANGSTER 69

115 4 0
                                    

(Naya's POV)





Akala ko naman nakita nila kung saan tumakbo 'yong lalaki na sumusunod sa akin kaya sila umalis 'yon pala akala nila multo 'yon, tsk. Nasaan na kaya 'yon? Akala ko talaga hindi totoo, kasi walang pwedeng pumasok sa parte na ito ng DRU. So kung may tao kaming makikita dito dapat ay isa lang din 'yon sa amin, pero iyong sumusunod sa akin kanina hindi siya taga dito, nararamdaman ko iyon. Napatigil ako sa paglalakad dahil nararamdaman ko na naman siya. Hindi pa rin pala siya umaalis.


"Magpakita ka sa akin!" hiyaw ko pero dalawang lalaki ang sumulpot bigla sa madilim na kalsada na kinaroroonan ko.


May buhat 'yong isang lalaki na parang tao rin, What the hell? Sino 'yon? Nanlaki ang mata ko ng makapag-adjust na ako sa dilim, i-its Cyan and Blue.


"B-bakit kayo nandito?" takang tanong ko sa kanila, paano sila nakapasok dito? "Kinuha lang namin 'tong lalaking ito," sagot sa akin ni Cyan.


"Sino siya?" kinakabahang tanong ko, tama sila naka-cloak nga ang lalaking 'yon. "Aalamin pa namin, pero malinaw na paglabag sa batas ang ginawa niya dahil pumasok siya sa lugar na hindi niya dapat pasukin," sagot muli ni Cyan.


Itong dark village ba ang tinutukoy niya?


"Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya sa akin kaya tumango lang ako. "Siya ba 'yong naghagis ng knife sa akin?" muling tanong ko.


"Maaari, maliban na lamang kung may ibang taong gumawa noon," sagot ni Cyan sa akin. Tama siya, hindi ko nga agad siya naramdaman eh kaya pwedeng may kasamahan siyang hindi ko rin nararamdaman sa ngayon.


"Nakita niyo ang ginawa niya?" tanong ko muli sa kanila. "Ano sa tingin mo?" sagot sa akin ni Cyan at hindi naman na ako nagtanong pa.


Kinakabahan ako sa kanila, kakaiba sila ngayon. Tumunog na ang wrist watch ko, hudyat na magsisimula na ang 11:11.


"Lumakad ka na nariyan na ang mga kasama mo," Cyan said to me. Napalingon na lang din ako sa mga kasama ko saka ako muling tumingin sa kanila.


"Sino ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila pero ngumiti lang sila. "Huwag mo ng itanong Naya," sagot nila sa akin saka sila tumalikod at mabilis na nawala. What the hell?


"Naya?" Nilingon ko ang mga kasama ko na tuluyan ng nakalapit sa akin.


"Okay ka lang? Naabutan mo ba siya?" tanong agad sa akin ni Apollo. "O-oo okay lang ako, hindi ko na siya naabutan. Tara na saka na natin siya alalahanin."


Nauna na akong humakbang pagkasabi ko noon, para hindi na rin sila makapagtanong pa. Wala na rin naman silang kung hindi ang sumunod sa akin. Langya mas kinakabahan pa yata ako sa dalawang guard na 'yon kaysa sa venom drugs na 'yon.





--------------------------------

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon