(Naya's POV)
"What did you say?" Napalingon agad kami sa pinto ng may magsalita doon at pumasok, its Eos, Styx and Ivan. "Isa sa dalawa ang kumuha sa akin ng susi sa gym saka ako itinulak sa loob ng stock room at ikinulong doon. Nakita namin sila na hawak mismo 'yong susi, inamin na rin nila sa akin ang lahat kanina. At malamang sila rin 'yong dalawang babae na sinasabi noong lalaking 'yon," Nyx answered.
Nakikita kong siguradong-sigurado siya sa mga naisip niya at ganoon din ako, at alam kong tama rin siya ng hinala.
"Sigurado ka ba diyan Nyx?" hindi makapaniwalang tanong ni Styx sa kanya. "Bullshit kuya Styx, I saw them, hindi ako lasing, tulog o anuman, nakita ko sila. Itinuro ko pa sila kay Naya alam niya na nakita namin sila, hindi ako namalikmata o minulto noong araw na 'yon, I know sila 'yon, I know them!" Nyx yelled again at napatingin sila sa akin dahil sa mga sinabi ni Nyx.
"Oh wala akong alam, pinakita lang sa akin ni Nyx 'yong dalawa," I said saka ako agad na umiwas ng tingin. "Pero, bakit gagawin ni Andrea 'to?" mayamaya ay tanong ni Ivan. Halatang naguguluhan din siya, sino nga bang magaakala na mismong kakampi nila ang magtatangka sa buhay ng isa pa nilang kakampi.
"Hindi ko alam Ivan, But I'm sure Marielle can answer us. At hindi ko rin alam kung bakit sa dami ng kalaban natin dito ay ako pa ang tinalo niya," Nyx answered. Frustrated si Nyx, nakikita ko 'yon sa kanya. Siguro hindi rin naman niya inaasahan na gagawin nila 'yon, after all magkakasama sila sa gang, sa dorm, sa lahat.
"Kaylangan lang nating alamin kung bakit nagkaganyan si Marielle at malalaman na natin ang totoo mula sa kanya," sabad naman ni ate Selene sa kanila. "Baka naman may pinaiinom sa kanya na gamot, I think you should look on her things or on Andrea's things," sabad ko rin sa usapan nila.
"Why Andrea?" tanong naman sa akin ni Styx. "Noong nakita kasi namin sila, inaaway niya si Marielle. Pagkatapos ay parang may iniabot siya kay Marielle na kung ano na ininom naman agad niya bago sila umalis sa gym at iwan kami doon," paliwanag ko agad sa kanila saka ako napakunot noo. Hindi ko naman kasi alam kung maniniwala sila sa akin.
"Nakita mo?" I hurriedly look at Nyx ng bigla niya akong tanungun, gulat na gulat siya kaya napatango na lang din ako sa kanya, nakita niya rin ba 'yon? "Akala ko ay wala lang kaya hindi ko na sinabi sa'yo nakita mo pala," sagot ko agad kay Nyx and she then sigh again.
"Akala ko rin ay wala lang 'yon kaya hindi ko na binanggit sa'yo," she answered. Natahimik na lang din kami pagkatapos noon, mayamaya lang din naman ay nagpaalam na si ate Selene at umakyat sila ni Nyx sa kwarto ng dalawa. Sila na lang daw ang maghahanap sa mga gamit nina Andrea at Marielle, at naiwan naman ako sa sala kasama noong apat.
"Andrea cant do this, we knew her for 2 years already," hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Ivan at natawa lang naman ako doon. "Ivan? A liar can lie and keep it till death, a liar can pretend better than anyone else," sagot ko agad sa kanya na agad niyang ikinasama ng tingin sa akin.
"Alam mo? Dumating ka lang nagkanda-letse letse na ang buhay namin dito!" inis niyang hiyaw sa akin kaya natawa lalo ako. "Oh talaga? So may mas le-letse pa pala sa muka mo?" I ask at itinaas ko ang kilay ko saka ko siya nginisian. Nasa harapan ko kasi silang apat at mag-isa lang ako na nakaupo sa couch na inuupuan ko kaya halos katapat ko lang si Ivan.
BINABASA MO ANG
Underground Society: Gangster (Completed)
Bí ẩn / Giật gânPrologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the strongest - Win GANG RULES - First, never start a war, let them start and all you have to do is finish that...