GANGSTER 12

7.8K 174 3
                                    

(Naya's POV)





After we have finished the dorm matters, agad namang sinabihan ni Fredrick, Apollo at Simon ang mga kasamahan namin sa gang tungkol sa meeting, at napag-desisyunan naman ng lahat na sa room kami nila Apollo mag-meeting. Tutal naman lahat naman sila ay parte ng gang, dumayo na lang din naman kami nila Frion, Cielo at Helena doon.


Fredrick is the head of this gang, at silang magkakaklase ang bumubuo noon maliban kay Apollo na ngayon ay parte na nga rin ng gang nila. Ewan ko nga ba naman kung bakit naging leader ng gang ang lampa na 'yan, pwede namang si Simon ang maging lider. Sabagay, kanya-kanya lang naman ng trip 'yan.


Sa ngayon ay half-day lang ulit ang klase namin, so before class ang meeting at ngayon na 'yon kaya mabilis na kaming pumunta sa room nina Apollo. Pagdating naman namin ay handa na sila, saka ko lang napansin na I, Helena and Cielo was their first girl members.


"Guys? I would like you to meet, Apollo, Naya, Frion, Helena, and Cielo they are now part of our gang and we're already a Class C gang," Fredrick announced.


Pagkasabi noon ni Fredrick ay ipinakita niya sa amin ang katunayan ng recognition ng gang, may kasama rin iyong ibang papel na may nakasulat na mga myembro ng gang, siguro ginawa iyon para kilalanin ang bawat grupo dito sa school.


"And I guess the right time comes already, the long wait is over, now I have met someone who I think that can help me leading this gang," pagpapatuloy ni Fredrick sa panimulang seremonya. "Alam ko at alam kong alam niyo rin na matapang lang ako, pero wala akong magagandang qualities sa pamumuno. That's why I'm waiting for someone to come and I want this person to help me all about this gang, and I want Frion and Naya to be our gang planner and councilor." muling sabi ni Fredrick.


Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, may ganoon ba sa gang? Weird. May mga ganyan pa ba sa gang? Bakit kaylangan pa ng ganoon? Ang alam ko kasi ay wala namang ganoon, pauso rin ang isang 'to eh.


"Idiot why me?" angal ko agad sa sinasabi niya.


"Relax baby hindi pa 'ko --- wah! Naya naman eh!" hiyaw naman ni Fredrick.


Binato ko agad siya ng libro dahil sa sinabi niya na naging dahilan para bigla siyang mapahiyaw at nagtawanan lang naman ang mga kasama namin sa gang.


"I saw something on you na wala ako and that is the leadership, I can be the boss and you can be my rules, my law, that's what I needed. We need you Naya and Frion," he said again, "So can you come forward and present some ideas for the improvement of this gang?"


Hindi na ako nagsalita dahil nag-seryoso na naman siya, I hate this kind of shit. Sanay ako na nasa tabi lang, sanay akong magisa tapos bibigyan niya pa ako ng position sa gang na 'to?


Pagkasabi niya noon ay nilingon ko agad si Frion na nasa kaliwa ko, siniko ko pa siya ng mahina saka ko siya tiningnan ng masama ng lingunin niya ako, siya na lang dapat ang magsalita.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon