GANGSTER 67

70 3 0
                                    

(Naya's POV)





Maraming gang ang nalagasan ng mga kasamahan, at marami sa kanila ang nagluluksa at isa na kami doon. Sa ilang araw na lumipas na walang hell games, lahat ng myembro ng Hellem Gang ay naka-itim palagi. May mga nakatali ring itim na scarf sa noo nila, sa braso o sa bisig tanda ng pagluluksa sa mga kasamahan naming nalagas ng ganoon na lamang.


"Act normal, don't show that you are mourning like us," puna sa amin ni Eos.


Hanggang ngayon ayaw niya pa ring malaman ng lahat na kasapi na kami ng Hellem at ayaw niyang makidalamhati kami sa kanila.


"Kasamahan natin ang nalagas Eos, iisa tayo dito huwag mo na kaming isipin, magkakasama tayo hindi ba? Magkaka-kampi, ito na lang ang kaya naming gawin, kaya lahat tayo ay magluluksa at maghahanap ng hustisya para sa kanila."


Natahimik siya sa sinabi ni Fredrick, sinabi niya na rin naman ang gusto kong sabihin kaya hindi na ako nagsalita pa. Nabalitaan ko rin na there are gangs na nagsisimula ng mag-protesta ukol sa issue na 'to pero kahit mag-protesta sila wala silang magagawa.


"Si ate Selene na ang maghahatid ng mga bangkay nila sa labas," bungad ni Styx pagpasok niya dito sa hideout namin.


Kasama niya sina Ivan at Romer. I look at my phone when it rang, its Dad. Hindi ko naman iyon pinansin, nakatingin lang ako sa cellphone ko hanggang sa mamatay ang tawag. Hindi ko alam ang sasabihin, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat, kaya kami pinagiinitan ng dean ay dahil sa akin.


"Your phone Naya."


Napatingin ako kay Eos, saka ko lang napansin na lahat sila ay nakatingin sa akin. Kanina pa kasi tumatawag si Dad, ayoko lang siyang kausapin kasi hindi ko alam ang sasabihin. I sigh and I clear my throat bago ko sagutin ang tawag niya.


"Dad?" bungad ko sa kanya pagsagot ko ng tawag niya. "How are you?" tanong agad ni Dad sa akin, napatungo naman agad ako dahil doon.


"Were f-fine, yeah, we are. But D-dad? we have 20 gang mates that d-died, C-can you help ate Selene bring them home?" tanong ko sa kanya habang sinusubukan kong hindi ipahalata ang pagiyak ko. "I will honey, I will. Are they infected?" Dad then said.


My tears are continuously flowing at lalo akong tumungo para walang makahalata na umiiyak ako.


"N-no Dad, hindi naman," sagot ko sa tanong niya. "Okay, tell Selene I'll call her, ibigay mo ang number niya sa akin ha?" Dad said and I sigh.


"Yeah, I will, thank you," sagot ko saka ako bumuntunghininga. "Baby?" pagtawag muli sa akin ni Dad ay tumayo kaagad ako at medyo lumayo sa kanila.


"Yes Dad?" sagot ko sa kanya pagpunta ko sa may glass wall na malayo sa mga kasamahan ko. "Spill it Naya, I'm listening," Dad said kaya napabuntunghininga muli ako.


"Doon sa formula ng venom drug may kung ano bang galing sa tao?" tanong ko sa kanya. "Yeah, meron doong human DNA, may human blood, human cells, may cerebrospinal fluid o CSF ito 'yong liquid na nagmumula sa utak ng tao, at marami pang iba. You see may mga sangkap ang venom na galing sa tao, Naya!"

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon