GANGSTER 11

7.5K 179 2
                                    

(Naya's POV)





"Insan? Insan bakit? anong nangyari?" nagsisisigaw at tarantang-tarantang tanong ni Apollo ng makita niya kaming nagsusulat pa rin.


"Lower your voice gad dammit!" agad na hiyaw ng admin sa kanya.


Napataas naman ng kamay si Apollo dahil doon saka siya napatingin ng gulat na gulat sa admin na kausap namin kanina, madalas talagang timang 'tong pinsan ko.


"S-sorry sir," paghingi agad ng paumanhin ni Apollo sa kanya.


Napailing naman na ako at hindi na siya pinansin pa.


"You four, fill up here, Ikaw Apollo dito ka mag-fill up," agad kong utos sa kanila.


I distributed them the papers pagkasabi ko noon saka ako bumalik sa pagsusulat, marami kasing papel ang kaylangang sagutan para lang sa paglilipat ng mga estudyante sa dormitory sa dark village. Siguro ay for security na rin iyon, at isa pa ay wala nga silang kapangyarihan sa loob.


Ayon sa papel dapat ay parehong may consent namin ni Apollo ang pagre-request ng paglilipat sa kanila since kami ang nakatira doon, and take note its one paper per person, lima sila kaya limang papel ang kaylangan namin ni Apollo na sulatan.


Habang 'yong lima doon ay iisa lang ang susulatan pero mukang marami rin ang dapat nilang ilagay doon.


"Transfer papers and request?" agad na tanong ni Apollo sa akin.


I just roll my eyes on Apollo at hindi na siya sinagot, nagkatinginan lang naman silang apat bago sila nagkanya-kanya ng pwesto.


"Faster, I can change my mind in millisecond," muli kong sabi sa kanila na may pananakot.


Dali-dali naman silang nag-fill up ng form pagkasabi ko noon, pagkatapos ay ibinalik na rin namin ulit sa admin ang mga papers. Ilang minuto pa kaming nag-hintay bago namin makuha yung approval form kaya nag-paalam na kami at lumabas.


"Teka nga, bakit ba sunod ng sunod sa atin 'to?" takang tanong ni Apollo saka niya itinuro ang kasama naming babae.


Siniko ko naman agad si Apollo dahil sa sinabi niya tungkol sa babaeng kasama ko kanina pa.


"I'll explain later, kayong apat kunin niyo na ang mga gamit niyo tapos pumunta na lang kayo sa dorm," utos ko sa mga kasama namin na agad namang sumunod.


"Mam yes mam!" sabay na sabi ni Fredrick at Simon saka sila naunang lumakad.


Sumakay na lang naman ulit kami ng mini sa bus papunta naman sa dark village at 'yong apat naman ay sumakay rin sa ibang bus papunta sa kanya-kanyang dorm nila.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon