GANGSTER 40

6.1K 140 2
                                    

(Naya's POV)





This is really insane, talagang mapapatanong ka na lang din talaga dahil sa tagal ng panahon na lumipas. Pero hindi man lang ba sila naghinala sa biglaang pagpapalit ng board at ng dean noon? At maging ang pagpapatigil ng dean sa pagiimbestiga?


"Ginawa namin ang lahat pero wala kaming makuhang impormasyon kaya nagpanggap na lang din kaming nananahimik na at tumigil na sa imbestigasyon para hindi kami mapahamak. Pero palihim pa rin kaming nag-iimbestiga katulad niyo, dahil katulad niyo ay gusto rin naming malaman kung bakit at paano sila namatay," pagpapatuloy ni Styx.


"At malamang, iyong pagpasok niyo dito, ang pagsasama-sama niyo, malamang delikado kayo," sabad ni Eos na ikinatingin ko sa kanya, "Sa tingin niyo ano kaya ang iisipin nila sa pagtitipon-tipon natin? Naisip niyo na ba kung anong iisipin nila sa pagdating niyo?" Eos said again saka siya tumingin sa akin.


"Kung ako ang tatanungin mo wala akong pakialam sa iisipin nila Eos. At isa pa mas maganda ang ganito, hindi na tayo mahihirapan, kusa na nilang ipakikilala ang mga sarili nila sa atin. And I knew they will do that, kumikilos na sila, nararamdaman ko 'yon," I said, tiningnan lang din naman ni Eos ang iba naming mga kasama saka siya muling tumingin sa akin.


"We must be quiet about this at all time dahil lahat ng nag-iimbestiga at naguungkat sa kaso na 'yon ay namamatay. Kaylangan pa rin nating magingat dahil marami na ang nagtangka, pero wala pang nagtatagumpay," Eos said again.


At hindi ako papayag na maging katulad nila ako, iba ako sa kanila, at sisiguraduhin ko 'yon.


"Malamang iyong mga nakatataas lang din ang may gawa noon," sabad ni Simon na ikinalingon namin sa kanya. "Naisip na rin namin yan noon Simon, pero ultimo mga tao ng school na kinukuha nila para mag-imbestiga ay namamatay rin. That is also the reason kaya itinigil na ang pagiimbestiga, we cant also confirm if its an act or not para hindi sila paghinalaan," Eos answered.


Natahimik naman lalo sila dahil sa sinabi ni Eos, ganun pala ang nangyayari dito ngayon. Ngayon alam ko na, kaya naman pala talagang walang nangyari noon sa pagiimbestiga nina Dad. Dahil doon ay naisip ko na kunin ang phone ko and I texted Dad every details I heard from them, saka ko ini-record ang mga susunod pa nilang sasabihin.


"Wala ring nakakaalam na nagiimbestiga kami, at kahit sino sa gang o kahit sino dito sa loob. Iilan lang din kaming gumagawa noon para makaiwas sa aberya, para sa kaligtasan ng mas nakakarami," dagdag ni Eos.


Tama siya sa desisyon na iyon mas madali at mas maganda ang ganoon, kakaunti man ang nakakaalam pero makasisiguro siya na mas safe para sa lahat.


"Hindi na ako magtataka kung one day tayo naman ang patayin nila," Fredrick also said.


"Let them Fredrick, kaylangan natin silang makita at mapalapit sa atin dahil sigurado akong kung sino man ang pumapatay na 'yon sa mga nagiimbestiga sa kaso ay siya ring may pakana noong insidente noon. Malakas rin ang kutob ko na may kinalaman ang mga nakatataas sa nangyari noon. Isn't it odd? Alam nilang may pagsabog noon three years ago, pero bakit nila gagawin 'yon ngayon? Hindi ba sila affected?" I said na dahilan para mapaisip din sila.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon