GANGSTER 33

6.5K 139 0
                                    

(Naya's POV)




Dinala ako ni Marielle sa building ng ABM G11 malapit sa building ng G12 ABM kung saan naroroon ang room nila Apollo. Nakapagtataka lang din na walang tao sa buong palapag na pinuntahan namin di tulad sa baba na may mga estudyante , ito na rin ang huling palapag ng building na 'to. At mukang bihira rin naman na may pumupunta dito, pinagtitinginan pa nga kami kanina pagakyat namin eh. Ang weird kasi parang nagtataka sila kung bakit kami nandito, parang nagtataka sila sa amin, at parang bawal na pumunta dito, sa mga bulungan nila nararamdaman ko na natatakot sila, bakit kaya?


"Did you know the story about this floor?" tanong niya saka siya lumingon sa akin. Nauuna kasi siyang maglakad at nahuhuli ako. "G11 lang ako pero hindi ako ABM." Natawa siya sa sagot ko saka siya sumandal sa railings katapat ng pinto ng isang room dito at napatigil din naman ako di kalayuan sa kanya.


"Simula noong mamatay ang buong section na nag-room dyan three years ago wala ng gumamit ng bawat room dito sa buong palapag na 'to." Napalingon ako sa kanya mula sa pagmamasid sa paligid ng sabihin niya iyon, seryoso lang naman siya na nakamasid sa room na iyon at hindi tumitingin sa akin.


"Isa ang kakambal ko sa mga namatay na 'yon, ABM kasi siya at STEM naman ang strand ko noon, pero sa ibang school ako nagaral hindi kami magkasama dito and because of that I hated a wrong person," she said again and this time ay lumingon na siya sa akin.


"Why are you telling this to me?" agad kong tanong sa kanya. Anong sinasabi niya? Anong koneksyon ko sa kwento niya? "I know that you're a Myren kayo ni Apollo, and the twin Myren was my sister's classmates, are you related to them?" she ask at nakatingin siya ng diretso sa akin and I was looking at her like that too.


"The incident three years ago gave me insomnia, and Andrea got a psychiatric disorder after her child died, and you being Myren was the reason why she got mad again. Sinisisi niya ang mga Myren at ang buong Hellem gang sa nangyari sa anak niya, kaya gustong-gusto niya kayong patayin, sinisisi niya ang lahat, kaya gusto niyang sirain ang gang, at ultimo ako ay ginawan niya ng kasamaan," she said and she was crying while looking straight at me. "Sorry sa nagawa ko Naya, sorry talaga, kung kaya ko lang tumutol noon ginawa ko na, kaso hindi, mahina ako, kaya sorry. Hindi ako katulad ng kakambal ko, mahina ako sa lahat ng bagay," she added at napahagulhol na siya sa pagiyak habang pinipigilan ko naman ang sarili ko na umiyak sa harapan niya.


"What did you know about the twin Myren?" lakas loob kong tanong sa kanya. "Iyon lang ang alam ko tungkol sa kanila, hindi naman ako dito nag-aral noon, lumipat lang ako dito noon after my twin died," sagot niya sa akin.


"How about Andrea? Wala ba siyang ibang sinabi sa'yo?" I ask again. "Wala na Naya, bukod sa paninisi niya sa kambal na Myren dahil sa pagkamatay ng anak niya ay wala na akong ibang alam," she answered at natahimik na kami dahil doon. Mayamaya lang din naman ay napalingon ako sa likuran ko dahil sa yabag ng mga paparating.


"Marielle?" tawag ni Nyx sa kanya na bakas ang galit sa muka kaya napatingin akong muli kay Marielle. "I guess I need to go, maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin, but still I'm sorry Naya. Sorry I hated the twin Myren about my sisters death kahit na hindi ko alam kung ka-ano-ano mo ba sila, sorry sa nagawa ko, sorry sa mga nangyari doon sa gym, sorry," she said again saka siya agad na umalis.


Lumakad na siya at naiwan akong nakatayo pa rin dito, habang nakatitig ako sa likuran niya. Hindi ko rin alam pero kusa konng nilingon 'yong pinto ng room na tinitingnan ni Marielle kanina, and I hurriedly tried to open the door but I cant.


"Naya?" I heard Apollo called me but I'm just crying and I don't even know since when my tears started to fall. Kanina ko pa pinipigilan ang luha na 'to habang kaharap ko si Marielle pero ngayon ay wala na itong tigil. Iyong mga sinabi niya, paulit-ulit 'yon sa tenga ko and those lines is making me insane.


I then started punching and kicking the door kahit na wala na akong lakas para mabuksan 'yon, at napasandal na lang ako sa pinto at tuluyang umiyak dahil gusto kong pumasok. Gusto kong makita, bawat bakas na iniwan nila gusto kong makita, kahit masakit magtitiis ako, gusto ko lang makita lahat kahit wala na sila. Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako, hindi ko alam pero parang naubos ang lahat ng lakas ko.


"Naya bakit? Naya sagutin mo ko!" hiyaw sa akin ni Apollo. Iyak lang din naman ako ng iyak, pinipigil ko, sinusubukan ko naman pero hindi ko mapigilan. Hindi ko masagot si Apollo, hindi ko masabi na ito iyong hinahanap namin. I wanna shout but I cant, I wanna kick the door again, I wanna get inside, I wanna get mad but I cant! I cant because it still hurts.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon