GANGSTER 59

70 3 0
                                    

(Naya's POV)





Wala pa namang nagtatangka sa buhay ko o kaya ay dumadampot sa akin na guards matapos kaming magusap ng Dean. Inaasahan ko na nga na hindi niya palalampasin ang ginawa ko at hindi niya na ako palalabasin ng buhay sa office niya pero wala siyang ginawa.


Kaya ngayon ay nag-hihintay na lang din kami ng 11:11 dahil Sabado na. Actually ang weird nga niya, pero alam ko na may gagawin siya kaya hindi pa rin ako magpapaka-kampante.


Sa ngayon ay nagpalit-palit na lang din kami ng position ng pagbabantay sa may quadrangle para hindi kami masyadong mahalata, at kaming mga death scheduler ay nag-grupo grupo na lang sa lima kagaya dati. Iyong mga dark reapers naman naming kasamahan ay nag-grupo pa rin sa sampo.


Ang lahat ay naghihintay na tumunog na ang kampana, 'yon ang lalong nagpapadagdag sa kaba ng mga estudyante dito ang tunog ng kampana na 'yon. Hindi pa rin naman kami gumagalaw, hinihintay lang namin ang pagsabog at ang paglabas ng mga weapons.


"Today is the first day of our killing game and our first contender is Ms. NayaMaine Myren. So everyone, all you have to do is kill her and whoever killed her will have a prize. Good luck to everyone and especially to you Ms. Myren, survive or else you won't get the passes you wanted."


Napatigil ako dahil sa announcement at alam kong ganoon din ang mga kasama ko. So ito ang dahilan kaya hindi sila kumikilos? Ito ang dahilan kaya wala siyang ginawa noon? Ito na ba ang ganti niya? Akala niya ba ito na ang katapusan ko?


"Naya? Insan?" Napatingin ako kay Apollo dahil hinawakan niya agad ako sa dalawang braso ko. "Anong ginawa mo? Naya?" agad na tanong sa akin ni Apollo.


Ibinaba ko lang naman ang kamay ni Apollo na nakakapit sa mga braso ko. Humarap din agad ako sa kanilang lahat.


"Keep your earpiece in tact, Fredrick? Bantayan mo muna si Apollo. At kayong lahat, hindi ko kayo makikita ngayon, kaylangan niyong makinig sa bawat sasabihin ko ha? Ang earpiece niyo ayusin niyo, siguruhin niyong maririnig niyo ako," I said at tumango lang naman agad sila sa mga sinabi ko. "Kahit anong mangyari huwag na huwag niyo akong lalapitan, tandaan niyo ang sinabi ko at kahit makita niyo ako kahit saan ay huwag niyo akong lalapitan. Kaya ko ang sarili ko, mahihirapan ako kapag malapit kayo, magingat din kayo sa 12:23 at sa mga infected ng venom ha?" I said again.


Kinapitan naman ulit ako ni Apollo pero tinanggal ko ulit ang kamay niya.


"Hindi ako mamamatay dito Apollo, this is for the passes I wanted, mauuna na ako," I said to him.


Tumalikod na rin ako sa kanila at nauna na rin akong lumakad, tahimik sila ni wala akong marinig na kahit ano, kahit pa sa mga kalaban. Alam kong narinig ng lahat 'yon its an announcement, imposibleng hindi nila narinig 'yon. Lumabas na ako sa pinagkukublihan namin saka lumakad papunta sa gitna ng quadrangle. Lahat ng mata ng mga estudyante ay nararamdaman kong nakatutok sa akin, hindi pa nila ako mahahawakan hanggat hindi nagsisimula ang lahat.


Alam ko ring nakikita nila each and every side of this school kaya kaylangan kong lumayo kina Apollo lalo na kila Eos dahil alam kong gugustuhin nilang protektahan ako. Tumitig na lang din ako sa gitna ng quadrangle, ramdam kong lumalabas na rin ang mga weapons. Hinintay ko lang 'yong tuluyang lumabas bago ko ipakita ang dalawang dirty finger ko sa kanila saka ako kumuha ng maraming weapons. At kasabay ng paglabas ng weapons and pagtunog ng kampana hudyat na magsisimula na ang lahat.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon