GANGSTER 19

6.9K 156 10
                                    

(Naya's POV)





"Kung alam ko lang na hindi namatay ang mokong na 'yon? Tinuluyan ko na siya agad-agad kahit na tapos na ang 11:11," Nyx said to me. Napalingon lang din naman ako sa kanya dahil ramdan na ramdam ko ang inis niya sa mga lalaking 'yon.


"May sa pusa talaga ang mokong na 'yon," I just said habang tuloy-tuloy pa rin kami sa paglalakad. "Hayop talaga siya." Natawa lang din naman ako ng makita ko ang inis sa muka niya, halatang halata ang gigil sa muka niya.


"Lerax, Nyx," I said saka ako muling natawa. Nilingon niya naman agad ako, hindi siya nagbibiro alam ko 'yon. Kaya lang ay seryosong-seryoso siya na hindi naman dapat, hindi deserved ng mokong na 'yon ang ganyang reaction. "Lerax ka dyan," tanging reklamo niya sa akin.


Narating na agad namin ang quadrangle dahil sa mini bus at pagdating naman namin doon ay nandoon na rin ang grupo nina Jordan. Nakaharap na rin sila sa amin na parang alam na alam na nila na dadating kami, at tila handang-handa na rin sila. Marahil kaya hindi si Nyx ang hinamon nila ay dahil malakas ang kapit nito.


"Bakit siya Jordan? Bakit hindi ako? You have the guts to bully me tapos iba ang hahamunin mo dito? Come on?" natatawang hiyaw ni Nyx sa kanila, "Siya ang may atraso sa amin," hiyaw rin nila sa amin. "At kayo may atraso kayo sa akin!" hiyaw ni Nyx sa kanila.


Galit si Nyx, nararamdaman ko iyon. Ayan na naman siya, naku naman. Pakiramdam ko ay mapapahamak na naman siya.


"Nyx? Ano ka ba? Ako ang hinamon niya, umalis ka na dito," bulong ko sa kanya saka ako palihim na sumulyap sa likuran namin. "Hindi ako papayag, Naya!" tanging sagot niya sa akin. Napabuntunghininga na lang ako dahil sa sinabi niya ang kulit niya talaga.


"Kapag nilabanan mo sila syempre back-up mo 'yong mga kasamahan niyo, iyon ang ayaw nila kaya hindi ka nila hinahamon, ako na lang ang gaganti, I need warm up. Ako na ang bahala," muli kong bulong sa kanya. "Hindi sila makikialam," simple niyang sagot sa akin.


"Nandyan na nga sila sa likod mo, kasama pa nga 'yong mga kasamahan ko tsk. Paano mo nasabing hindi sila makikialam?" agad kong sagot sa kanya. Napalingon din siya kaagad sa likod namin dahil sa sinabi ko. Lumapit na rin sila sa amin ng makarating na rin sila. Whoah, ang dami naman namin.


"Jordan? mukang nagkamali ka yata ng binangga," mayamaya ay sabad ni Styx sa usapan. Agad din silang pumunta sa unahan namin, hinila naman agad ako palayo doon ni Apollo at pati si Nyx ay hinila niya.


"Ano ba kayong dalawa? Padalos-dalos kayo," sermon sa amin ni Apollo. "Laban namin 'to, kung tutuusin sila ang may kasalanan kung bakit nabaril si Naya, may kasalanan sila sa akin. Una ay nasugatan siya dahil sa kanila at ikalawa ay nabaril siya, hindi na ako papayag na magkaroon ng pangatlong sugat si Naya dahil sa kanila," agad na sabi ni Nyx sa kanya.


Napalingon naman agad si Apollo sa aming dalawa dahil sa sinabi ni Nyx. Natahimik din ako dahil doon, bullshit. We're screwed. "Anong sabi mo Nyx?" malamig ang tinig na tanong ni Apollo. Bigla ring nagiba ang aura niya matapos niyang magsalita muli, what the hell?

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon