CHAPTER 54: Sino nagligtas kay Frederick?

84 0 0
                                    

Dianne Point of view.

"Ano ba!" sigaw ko basag ang boses at tinulak ko siya nang malakas sa sobrang lakas nun ay napaatras siya.

"Dianne," sa boses niya pa lang alam ko nang umiiyak na rin siya.

"Nang makita ko ang nanay ko, akala ko yayakapin niya ako, akala ko hahalikan niya ako sa noo, hahaplusin ako sa likod para pagaanin yung nararamdaman ko, pero putangina! Blaze, mas lalo niya lang pinabigat yung nararamdaman ko!" sigaw ko sa kaniya, nanginginig na ang boses ko.

"M-Malapit niya na akong patayin! si Janice yung nanay ko at rapist ang tatay ko! Hindi na kailanman mabubuo yung pinapangarap kong pamilya!" sigaw ko.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Sakit. Pagod. Galit. Pero bakit siya ganon? Walang ni isang emosyon sa mukha niya. Kakadating lang niya at wala siya nung naganap yung lahat ng yun. Alam na ba niya?

"Alam mo na?" Tanong ko.

"A-Alam mo na pero hindi mo sinabi sa akin?"

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumango. I feel betrayed. Yung taong mahal ko ay may tinatago sa akin, ang mas masaklap pa doon. Ikakasakit ko pa talaga, tinago niya sa akin ang impormasyong ikakasakit ko!

"Sinabi sa akin ni Tristan, hindi ko muna sinabi sa’yo kasi alam kong— m-masasaktan ka."

Napahaplos ako sa mukha ko, mula sa pisngi papuntang noo ko—habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Ang sakit, ang bigat sa puso, ramdam na ramdam ko sa bawat pagkuskos ng palad ko sa balat ko, hindi ko na kayang pigilin pa. Napasabunot na ako sa sarili ko.

"Dianne," tawag niya sa pangalan ko.

"Sa sunog, hindi mo ako naprotektahan. Naiintindihan ko kasi planado yun... k-kanina tinawagan kita kasi n-natatakot ako at i-ikaw lang ang tanging hinahanap ko. Pero nasaan ka? Hindi mo sinagot yung tawag ko, naka-off yung phone mo. Tapos ngayon... malalaman ko na nagsinungaling ka sa akin. Bakit mo naman tinago sa akin ang katotohanan!? Bakit hindi niyo agad sinabi!? BAKIT!?" sigaw ko, parang ang bawat salita ay may kasamang pait na matagal ko nang tinitimping sakit.

Halos maubos yung boses ko sa sobrang lakas ng sigaw na yun. Ang lamig ng hangin, pero ang init ng mga luha ko na tumutulo sa pisngi ko, at sa bawat patak ng luha ko, parang dinudurog na ang katawan ko sa bigat ng mga salitang lumabas mula sa bibig ko.

"Sorry.."

"Puro nalang kayo sorry tangina! Sorry doon, sorry dito! Bakit? Gagaan ba yung mabigat na nararamdaman ko kapag nagsorry kayo!?" sigaw ko habang nakaturo sa kaniya.

"Alam mo kanina paglabas ko, ikaw agad yung hinanap ko. Pero nasaan ka!? h-hindi kita nakita. Kaya naisip ko 'Ah, baka napagod na siya sa akin.' akala ko... iniwan mo na ako!Kaya umalis ako para sana— h-hanapin ka pero wala na... wala na akong lakas ng loob na hanapin ka."  saad ko habang humihikbi at dinuro-duro ang chest niya kaya napapaatras siya habang ginagawa ko yun.

"Tinawagan ako ni Anastasia, m-may nangyari lang kaya pinuntahan ko siya."

"Anastasia?" tumango-tango ako at ngumiti ng mapait.

"Siya lang ba yung nangangailangan sa’yo? Eh ako! AKO NA ASAWA MO!? KAILANGAN DIN NAMAN KITA AH!" huminga ako nang malalim at napalunok ng sariling laway.

"Mahal mo ba talaga ako? Minahal mo ba talaga ako?" wala sa sarili kong tanong.

"Ofcourse! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Hindi mo ba ramdam? Dianne, hindi mo ba nakikita?" Blaze.

"Siguro... n-naaawa ka lang sa akin. Walang-wala ako eh, kaya binigay mo lahat sa akin kasi naaawa ka?" Tanong ko.

Napapikit siya ng marahan at mabilis niyang inayos ang buhok niyang basang-basa, at ang mga kamay niya ay nanginginig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 19 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now