(Meeko’s POV)
Three months na ang nakalipas mula ng magkita kami ni Kuya Piso. Every weekend kami pumupunta ni Pami at Lee sa mall pero hindi ko na siya nakita pa ulit. Dahil dun . . . iniisip ko na siguro tama nga si Pami at coincidence nga lang talaga ang pagkikita namin nun. Pero yung naramdaman ko sa kanya . . . kakaiba eh . . . hayyyy . . .
“Amen.”
Chorus na sinabi ng mga tao sa paligid ko. Bigla akong bumalik sa reality at ang katotohanan na nasa loob ako ng CHURCH.
Jusmiyo!! Nasa loob ako ng bahay ng Diyos at kausap ko kani-kanina lang yung Diyos at biglang lumipad ang isip ko kay Kuya Piso. Naku naman!!!
Lord . . . SORRY PO!!! Hindi ko naman po sinasadya na sumingit si Kuya Piso sa usapan natin kanina eh . . . bigla lang po talaga siyang sumulpot. Sorry po talaga . . . eh kasi naman po halos three months na yung nakalipas simula nung huli ko siyang makita . . . Eh!!!! Halaaaaa pooo!! Sumingit na naman siya sa usapan natin!! SORRY PO TALAGA!! SORRY PO LORD!! WAG PO KAYONG MAGALIT SA KIN PLEASE!!!
Naku . . . baka mamaya magalit na si Lord sa kin dahil si Kuya Piso ang iniisip ko habang nagmimisa yung pare . . . Hayyyyyy . . .
Umupo na ako sa upuan ko at sinubukang makinig sa homily ng pare.
O O O
(Iñigo’s POV)
“Peace be with you.”
Sabi nung pastor sa altar at sumagot naman ako sa kanya along with the other people who attended the mass. I greeted the people around me and sinagot din nila ako ng kani-kanilang peace be with you’s.
Nang lumingon ako sa bandang likod ko, may nakita akong babae.
No. It can’t be.
Sabi ng utak ko sa kin pero may malalim na part sa kin ang nagdadasal na sana siya yun. Three months na ang nakalipas simula nung huli kaming magkita sa National Bookstore at yung sa escalator kung saan ngumiti siya sa akin for the second time that day. Pero three months na yung nakalipas . . . baka nagkakamali lang ako . . .
Nakayuko yung babae at nakapikit. Naka-clip yung buhok niya and naka-suot siya ng floral dress. She reminds me of the girl na tinulungan ko three months ago. Pero there’s something different with her . . . wala siyang glasses.
Siguro nga namamalik-mata lang ako. Hindi naman ito ang first time na may napagkamalan akong babae na siya eh. Pero kamukhang-kamukha talaga niya yung girl three months ago. The pastor continued the mass and pinagpatuloy ko ang pag-iisip ko kung siya yun o hindi.
The mass ended and the people clapped. Lumingon ulit ako dun sa babae and I saw her clapping her hands and smiling.
Kamukhang kamukha talaga niya!! Pero hindi ako pwedeng magkamali. May GLASSES na suot yung girl. Color black pa nga ang mga rims nun eh. Tinitigan ko pa lalo yung babae pero maya-maya pa tumayo siya sa kinauupuan niya and started walking towards the exit of the church. Lalabas na rin sana ako ng simbahan ng mapansin ko na biglang napatigil sa paglalakad yung babae. Bunuksan niya yung maliit na clutch bag na dala niya and may kinuha siya dun.
I watched as she slowly put on her black rimmed glasses.
Meeko.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?