Chapter 6

29 0 0
                                    

(Meeko’s POV)

                Umalis ang parents nila Kuya Andrew at Lee and they left the whole house to us. Mga nine kami ng umaga dito ni Pami sabahay nila Lee at bandang three o’clock ng HAPON nag-start ang party. Kaya naman from nine to two, wala kaming ibang ginawa kundi nanood nalang ng DVD.

                Nung mag-three na, the guests started arriving. Naka-set up na rin yung caterers sa mga station nila para sa food. Pati yung sound system naka-ayos na rin. In short, everything was already set.

                “Hayyyy . . . next year college na tayo!!”

                Sabi ni Lee at tumabi siya sa kin sa couch nila. Umupo ako dito kanina kasi halos lahat ng mga guests ni Kuya Andrew college students and hindi ko kakilala. Inabutan ako ni Lei ng isang basong Coke at ininom ko yun.

                “Oo nga eh, parang kahapon lang kaka-graduate lang natin from elementary tapos ngayon, ilang months nalang ga-graduate na tayo from high school.” Sabi ko sa kanya and tumango naman siya while taking a sip of his own Coke.

                Maya-maya pa, tumabi na rin sa amin si Pami.

                “Ano ba yan, no offense Lee ha . . . pero OP naman ako sa party na to.” Sabi ni Pami.

                “Sinabi mo pa. Si Kuya kasi eh . . . tsaka hindi ko nga rin masyadong kilala yung ibang friends niya eh. Konti lang yung kilala ko.” Sagot naman sa kanya ni Lee.

                “Uy Meek, alam mo ba, may nakita akong pogi kanina.” Sabi ni Pami sa kin habang lumalapit.

                “Talaga? Saan?” Tanong ko sa kanya.

                Okay, minsan (actually most of the time) kapag magkasama kami ni Pami . . . meron kaming habbit of should we call . . . Pogi Hunting. Minsan habang naglalakad sa mall kapag may makakasalubong kaming pogi, sasabihin namin sa isa’t isa at maghahanap pa kami ng ibang pogi. We’re girls okay?! Di lang guys ang naghahanap ng maganda noh. Pero at least kami hanggang tingin lang.

                “Hay naku . . . eto na naman yung dalawa.” Narinig naming sinabi ni Lee at binelatan namin siya ni Pami.

                “Ayun ayun oh! Tingin ka dun sa may hagdanan banda. Yung nakatayo kasama yung isang lalake. Pogsters di ba?” Sabi ni Pami sabay turo dun sa guy na tinutukoy niya.

                Tumingin naman ako sa tinutukoy ni Pami and ganun din ang ginawa ni Lee. Oh shemssssss . . . pogi nga . . .

                “Tomo . . .” Sabi ko sa kanya.

                Maya-maya pa, tumawa ng napakalakas si Lee na lahat ng tao napatingin sa kanya.

                “Huy! Problema mo? Para kang ewan diyan.” Sabi sa kanya ni Pami.

                “Naku! Tuluyan na atang nasiraan yan beb.” Sabi ko naman sa kanya.

                “Wahahahaha!!!! Yung hahahaha yung lalakeng hahahaha sinasabi niyong pogi hahahahahaha wahahahaha!!” Sabi ni Lee na hindi makapagsalita ng maayos dahil sa kakatawa.

                “Ano?!” Sabi naman ni Pami.

                I just shook my head at them and then uminom ng Coke ko.

                “BAKLA!!” Biglang sagot ni Lee at bigla akong nasamid sa pag-inom ko.

                Feeling ko nabulunan ako ng isang kalderong kanin sa sinabi na yun ni Lee. Umubo ako habang hinahampas naman ng mahina ni Pami ang likod ko. Lee on the other hand, kept on laughing. hindi pa rin ako makatigil sa pag-ubo and pakiramdam ko nag-iba na yung daan ng Coke na ininom ko. Imbes na papuntang stomach feeling ko nag-change route ito at pumuntang lungs ko.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon