Chapter 30

41 1 4
                                    

(Iñigo’s POV)

                After rushing me towards the Medics’ Van and doing different first aid tests on me, it was clear na hindi naman nabali or na-dislocate yung bone ko sa arm ko. Pero dahil swollen ito ay malamang daw baka nag-crack ito. We’re not clear on this though kasi kailangan ang x-ray para mapatunayan talaga ito.

                Dahil dito, mawawala ako for the last remaining minutes of the game. Alam kong mahihirapan ang team kapag nawala ako lalo na ngayon na nagiging madumi na talaga lumaban ang mga taga-Ferro. Kahit sinusubukan nilang maging inconspicuous, naririnig ko pa rin na nag-aalala si Coach at pati na yung mga teammates ko dahil baka matalo kami kapag wala na ako.

                “Iñigo . . . saan ka pupunta?!” Sabi ni Meeko nung tumayo ako sa inuupuan namin sa loob ng van.

                “Pupunta lang ako kay Coach. Kakausapin ko lang siya.” Sabi ko sa kanya.

                “P-pero . . . baka mapano ka.” Sabi niya.

                Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na matuwa na concerned siya sa kin. Pero kailangan kong tapusin ang laban na to.

                “Okay lang ako. Nakatulong naman na yung gamot na binigay sa kin nung mga Medics eh. Tsaka diyan lang naman si Coach. It will just take a second.” Sabi ko sa kanya.

                “I’ll come with you.” Sabi niya sa kin and sumama siya sa kin papunta kay Coach.

                “Oh Iñigo, bakit nakatayo ka na? Bumalik ka dun sa van!!” Sigaw ni Coach sa kin nung nakalapit na kami sa kanya.

                “Coach . . . ilang minutes nalang po?” Sabi ko sa kanya at hindi pinansin yung unang sinabi niya sa kin.

                “Iñigo, wag ka nang mag-alala. Bumalik ka nalang dun sa may van. Baka madagdagan pa yang dinadala mo.”

                “Coach, ilang minutes nalang po?” Pilit ko pa rin kay Coach.

                “Iñigo sinabi—“

                “COACH ilang minutes nalang po ang natitira sa game.” This time pinakita ko kay Coach na hindi talaga ako mapipigilan.

                “May four minutes nalang tayo bago maubos ang time.” Sagot ni Coach sa wakas.

                “Ano pong standing natin?”

                “Sa ngayon . . . malaki ang chance natin na manalo. Lalong lalo na ngayon na atin yung bola. Pero . . .” Sabi ni Coach at tumingin siya sa kin at sa braso ko na nakabandage. “Never mind. Magpadala ka na sa ospital, Pangilinan.”

                “Coach . . . gusto ko po malaman yung kasunod ng pero niyo. Pero . . .” Sabi ko sa kanya.

                “Kahit ano naman siguro sabihin ko sa yo na pumunta ka saospital di ka naman makikinig sa kin di ba?” Sabi ni Coach and shook his head at me. I just smiled at him. “Pero alam na alam mo na kahit the odds favor our side, magiging mahirap manalo kung mawawala ka. Yung the backbone of this team Iñigo and we really need you.”

                “Coach naman . . . you don’t need to go feed my ego anymore. Put me back on.” Sabi ko sa kanya and hinubad yung supporter na nakasabit sa balikat ko.

                “Iñigo . . . are you really sure?”

                “Sure as hell coach. Tsaka . . . I need my feet in this game not my hands. Gusto kong pumasok.”

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon