Chapter 47

25 1 0
                                    

NOW PLAYING: THUNDER

(Iñigo’s POV)

                Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

                Ayokong pumunta sa ospital at makita yung Daddy ko. Ayokong pumunta kila Meeko dahil sa duwag ako at ayaw kong madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayoko rin naman umuwi sa bahay kasi hindi ko alam kung makakaya kong mag-isa ngayon.

                Ito rin ang maganda minsan kapag nagdadrive ka. Pakiramdam ko laging ako yung may control sa kung saan ko gustong pumunta at walang sinuman ang makakapagpigil sa akin.

                Naka-on lang yung radio ni Ate pero hindi ko naman alam kung anong kanta yung tumutugtog. Nagpatuloy nalang ako sa pag-drive hanggang sa bigla akong mapatigil.

                ‘Your voice’

                ‘Was the soundtrack of my summer’

                ‘Do you know you’re unlike any other?’

                ‘You’ll always be my thunder’

                ‘And I said’

                ‘Your eyes’

                ‘Are the brightest of all the colors’

                ‘I don’t wanna ever love another’

                ‘You’ll always be my thunder’

                ‘So bring on the rain’

                ‘And bring on the thunder’

                Naalala ko si Meeko. I closed my eyes and mukha niya ang nakikita ko. I opened my eyes and mukha niya pa rin ang nakikita ko.

                I can see her smiling and agad na bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi man ako nagmahal ng maraming babae pero alam kong si Meeko lang ang minahal ko ng ganito. Bawat maliit na bagay na konektado sa kanya minahal at sinamba ko ng buong puso ko. Akala ko siya na. Inakala ko na siya na talaga.

                Nawala yung mukha ni Meeko and napalitan yun ng isang babaeng nakatayo sa gitna ng daan na lumiliit ng lumiliit habang palayo ako ng palayo. I banged my head on the steering wheel.

                P@#$%^ &*@!! Anong kal@#$%^&* ba tong sakit na nararamdaman ko? Mahal na mahal ko si Meeko. Kahit na nakita ko man silang naghahalikan ng best friend ko mahal na mahal ko pa rin siya. Ganito na ba ako kab@#$ ngayon? Ganito na ba talaga ako kat@#$%^?

                Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatigil sa gitna ng daan pero wala naman nang ibang sasakyan na dumadaan kaya wala akong nadistorbo o nadisgrasya. Narinig kong tumunog yung cellphone ko and kahit anong sakit ang naramdaman ko agad ko pa ring ipinagdasal na sana si Meeko yung nagtext sa kin.

                Agad kong kinuha yung cellphone ko and binuksan yun.

1 New Message from: Ate Carmy

                Iñigo . . . get back here at the hospital. Now.

                I sighed and started the engine again na namatay na dahil sa tagal ko na ring nakatigil and I started driving towards the hospital.

                ‘So bring on the rain’

                ‘Oh baby bring on the pain’

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon