(Meeko’s POV)
Today’s the big day!!! Saturday ngayon and maaga akong gumising para makapag-ayos . While I was combing my hair, nakita ko na gising na rin si Migs sa kabilang bahay. Kinuha ko yung sketch pad ko and then sumipol sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa kin. Nakasuot na siya ng soccer uniform nila and from the looks of it, mukhang paalis na siya. I flashed him my sketch pad.
‘How ya feeling?’ Sulat ko sa sketch pad ko.
‘Nervous.’ Reply niya sa sketch pad niya.
‘U OK? :)’
‘Yeah =)’
‘Alis ka na?’
‘Yup. Y?’
‘Pwedeng sumabay?’
‘Sure =) Pero d ka ba papagalitan?’
Nag-isip ako. Ayoko ko sanang magpahatid kay Manong Ben ngayon. Saturday naman at alam ko namang hindi traffic ngayon. Tsaka . . . I’m feeling adventurous today. I smiled mischievously.
‘Let’s keep it a SECRET >;)’
‘U sure?’
‘Yeah. Please?’
‘OK. Meet U downstairs?’
‘Sure!! C U ^__^’
Hindi ko na hinintay yung reply niya and then agad ko nang kinuha yung maliit kong bag and bumaba na ako ng hagdan. Nagsabi sa kin sina Pami at Lee na gusto daw nilang sumama and inimbitahan din naman sila ni Iñigo last time na magkakasama kami.
‘Left for the big game :))))
-M’
Sinulat ko yan sa isang pirasong Post-it at dinikit ko sa ref namin. Wala namang tao sa loob ng bahay ngayon kaya lumabas na ako. I closed the gate behind me and dun nga naghihintay si Migs.
“So secret talaga?” Sabi niya sa kin.
“Oo. Ayokong magpahatid kay Manong Ben eh. Train lang naman sasakyan papuntang school niyo di ba?” Sabi ko sa kanya at naglakad na kami.
“Oo. Eh pano yung mga kaibigan mo? Di ba sasama sila?”
“Yep!”
“Eh nasaan na sila?”
“Susunod nalang daw sila.”
“Aaahhhh . . . Excited ka noh?”
“Di naman. Sinabi lang kasi ni Iñigo medyo agahan ko daw kasi may ibibigay daw siya.”
“Ahhh . . . Okay.”
Nakalabas na kami ni Migs ng villa we walked so more hanggang sa makapunta na kami sa LRT station. Wow. So ganito pala ang itsura ng LRT station. Hindi pa kasi ako nakakapunta dito eh. Kasi kung aalis kami normally, nasa kotse kami or di naman kaya taxi. Kaya first time ko lang talaga to.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?