Chapter 32

28 0 0
                                    

(Meeko’s POV)

                “May I cut in?” Tanong ni Iñigo in a very deep voice sa amin ni Migs.

                “Boyfriend mo nagseselos . . .” Bulong sa akin ni Migs bago bumitaw sa akin.

                I giggled and he winked at me. Maya-maya pa, nasa harapan ko na si Iñigo.

                “Alam mong narinig ko yun di ba?” Sabi niya kay Migs.

                “Yep! Eh totoo naman di ba?” Sagot naman neto sa kanya.

                “Pasalamat ka kaibigan kita.” Sabi ni Iñigo sa kanya pero halata namang nagbibiro siya.

                “Oo na. Tama na nga yan. Kausapin mo na girlfriend mo tol. Magsa-sightseeing lang ako.” Sabi sa min ni Migs at umalis na siya.

                We watched his back as he went into the crowd and the moment na nakita siya ng mga classmates ko na babae, they started giggling. Sa totoo lang, I’m really stalling right now. Hindi ko kasi alam kung bakit pero bigla akong nahiya kay Iñigo ngayon. Shemzzzzzzzzzzzzzzzz . . .

                Just then I let out a big gasp because my feet are no longer on the ground. I laughed (both from happiness and kilig-ness) and then wrap my arms around Iñigo’s neck. He spun me around and I can’t help giggling.

                “Feeling ko ibaba mo na ako ngayon bago pa matuluyang mabali talaga yang kamay mo.” Sabi ko sa kanya habang tumatawa kasi yung isang kamay niya lang ang nagsusupport sa akin ngayon dahil yung injured niyang kamay nilagyan nung parang matigas na parang puting semento and nakasabit across sa leeg at shoulder niya yung supporter niya.

                “Okay lang. Alam ko namang aalagaan mo ako kapag nangyari yun eh.” Sagot niya sa kin at  ibinaba na rin niya ako. But he didn’t remove his arm around my waist though.

                Buti nalang at nagkakagulo pa ang lahat dahil kung hindi baka napagalitan na kami for Public Display of Affection. Hehehe.

                “Talaga? Sino naman nagsabi sayo na gagawin ko yun?” Asar ko sa kanya.

                “Hmmmm . . . yung girlfriend ko.” Sagot niya sa kin tapos inilapit pa ako lalo sa kanya.

                Pinilit ko yung sarili ko na wag masyadong ngumiti at baka tumalon na ang mga ngipin ko at mamaga yung mga panga ko. Pero ang HIRAP palang gawin nun lalo na kung kilig na kilig ka. Eh kulang nalang magtatatalon at magtititili ako sa kilig dito eh. WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!

                “Sino naman yun? Kilala ko ba yun?” Tanong ko sa kanya na parang hindi ko talaga alam and tried to fight a smile.

                “Hmmmm . . . Well . . . I think you KNOW her . . . I guess I should just temper with your memory.” Bulong niya sa kin which sent shivers down my spine.

                Inilapit niya yung mukha niya sa kin and I felt myself hyperventilate. Nakakahiya na nga ng konti kasi parang hinihika na ako na naghahabol ng hininga ko eh. Tsaka . . . ummm . . . baka may makakita sa min pagalitan na talaga kami neto. SHEMZZ . . . nakikita ko na yung front page ng school newspaper namin: BATCH VALEDICTORIAN CHARGED GUILTY FOR PDA!!!

                Gusto ko sanang mag-pull back pero may kung anong force na pumipigil sa akin. Ano ba naman to?? Hindi naman ako ganito dati ah. Dahil ba to kay Iñigo?!?! Buti nalang at sumulpot si Pami sa tabi namin just as our lips were just a breath away.

Si Kuya PisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon