(Meeko’s POV)
“Ang tagal naman nun ni Pami! Nasaan na ba yung babaeng yun? Sabi niya eight o’clock eh nine na eh!!”
Hayyy nakuuuu . . . kung hindi ko lang bestfriend tong si Pami kanina ko pa iniwan to eh!! Parang ewan na ako dito na kinakausap yung sarili ko oh. Tagal naman nun!!!
Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng National Bookstore pero hindi pa rin dumadating si Pami. Kanina ko pa rin siya tinetext at tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Nilabas ko ulit yung phone ko at then dialed her number.
RING . . . RING . . . RING . . .
“Hello?”
“Hoy Pami!! Kanina pa kita hinihintay dito nasaan ka na ba?! Tinutubuan na ako ng puting buhok dito oh wala ka pa rin?” Bati ko sa kanya.
“Sorry Meeko . . . Eh kasi traffic eh. Sorry talaga.” Sagot niya sa kin.
“Nasaan ka na ba?” Tanong ko sa kanya.
“Ummmm . . . sa may stoplight.” Sagot niya.
“Ha?! Halaaaaaa . . . ang layo mo pa.”
Utang na loob ang layo pa niya. Anong gagawin ko dito sa tapat ng NBS?
“Eh kasi may nagbanggaan dito eh. Kaya traffic. Pero sabi nung driver kapag daw lumagpas na kami dito sa stoplight hindi na daw ma-traffic.”
“Ah ganun ba. Sige antayin kita ha. Pero halaa . . . anong gagawin ko? Ang init init dito tapos ang tagal mo pa. . .” Sabi ko sa kanya.
“Pumasok ka kaya muna diyan sa loob ng NBS.”
Ay krung-krung!!! Oo nga noh! Bakit hindi ako pumasok sa loob ng NBS?
“Ngek . . . Kanina pa ko dito sa labas ng NBS hindi ko man lang naisipang pumasok. Hahaha.” Sabi ko sa kanya.
Narinig ko yung pagtawa ni Pami sa kabilang linya.
“Gagi ka talaga . . . pumasok ka na sa loob! Nasa’yo naman yung listahan ng mga kailangan nating materials di ba? Bilhin mo nalang muna yung mga yun.” Sabi niya sa kin.
“Yes ma’am! Love you bebe!” Sabi ko sa kanya.
Kahit gaano ka-late itong bestfriend ko, di ko pa rin magawang magalit sa kanya. Mahal ko to eh!! Hahaha.
Actually, nandito ako sa mall ngayon. Kasi dito namin sinabi na magkikita kita kami sa mall and dahil nga may NBS dito kung saan kami bibili ng materials. Dalawa yung entrance ng NBS, yung isa yung ‘outside’ kung saan kahit sa labas ka ng mall nakakapasok ka dito. Yung pangalawa naman yung ‘inside’ na nasa loob mismo ng mall. Pumasok na ako sa loob ng NBS gamit yung ‘outside’ door and then kinuha na rin yung listahan ng mga kailangan namin ni Pami para sa project namin.
Illustration board, Styrofoam, cutter, paint . . . binasa ko isa-isa yung mga kailangan namin supplies at nag-proceed ako sa aisle kung nasaan yung mga illustration boards.
After kong makuha na ang mga kailangan naming supplies, pumila na ako sa cashier. She scanned my items tapos binigay ko na sa kanya yung bayad ko.
“Thank you po.” Sabi ko sa kanya.
Nag-smile siya sa kin tapos umalis na ko kasi may naka-pila pa sa likod ko. Teka ang hassle naman neto . . . Hawak ko sa right arm ko yung malaking paper bag ng supplies namin tapos hinahawakan ko pa yung illustration board. Sa left arm ko naman dun nakasabit yung maliit na backpack ko habang hawak ko yung wallet ko.
“Paano ko ba malalagay tong sukli ko sa wallet ko eh ang dami kong dala?” Bulong ko sa sarili ko.
Teka lang, kanina ko pa kinakausap ang sarili ko ah. Tsk tsk tsk nababaliw na ata talaga ako. Naku naku!!
Inipit ko yung illustration board sa gitna ng mga legs ko para mahawakan ko sa right hand ko yung wallet ko at mailagay ko yung barya. I dropped the coins in pero may biglang dumaan na bata sa tabi ko kaya yung ibang barya nalaglag at gumulong sa sahig.
“Shemaaaaaaay . . .” Ano ba yan . . . Lord, nahihirapan na po ako pinahirapan niyo pa ko?
“Sorry po!” Sabi nung bata na naka-bangga sa kin sabay takbo sa Mommy niya.
Ano nang gagawin ko ngayon?
I sighed and then yumuko para damputin yung five peso coin na nalaglag malapit sa paa ko.
“Ummmm . . . miss, excuse me. Sa’yo ata to, nahulog mo ata.”
I raised my head and may nakita akong kamay na may hawak na piso. Tumayo ako ng maayos and nakita ko siya.
Nakasuot siya ng grey v-neck and tight jeans. May nakasabit na earphones sa balikat niya and nakasuot siya ng grey beanie sa ulo niya pero kita pa rin yung buhok niya under it. He’s a head taller than me and maputi siya. Matangos ang ilong fair skin and most of all, he has really beautiful eyes. Nakatingin lang siya sa kin and ako naman walang magawa kundi ang tumingin lang din sa kanya.
“Meeko!! Meeko!!”
Bigla akong parang nagising at nakita ko si Pami na nakatayo sa pinto ng NBS at kumakaway sa kin. Tumingin ako sa guy na kaharap ko and nakita ko na tumingin din siya kay Pami at ibinalik ulit ang tingin niya sa kin. Nakita ko na hawak hawak pa rin niya yung piso ko kaya kinuha ko yun sa kamay niya.
“Thank you po.” Sabi ko sa kanya and then bowed my head. I smiled at him bago kunin ang illustration board na nakaipit sa gitna ng mga legs ko at nilagay yung wallet ko sa loob ng bag ko. Nilagay ko nalang yung piso ko sa bulsa ko at dali-dali na akong pumunta kay Pami.
“Sino yun?” Tanong sa kin ni Pami habang kinukuha yung illustration board na hawak ko.
Lumingon ako sa loob ng NBS sa kung saan ako nakatayo kanina pero wala na siya dun. Siguro umalis na rin yun, sabi ko sa sarili ko.
“Hoy Meeko!”
“Huh?”
“Sabi ko bakit ka tulala diyan? At sino ba yung lalakeng kasama mo kanina? In fairness, pogsters ha.” Sabi ni Pami.
“Pogsters?” Tanong ko sa kanya. Saan diksyunaryo na naman nakuha ni Pami tong pogsters pogsters na to?
“Pogsters . . . POGI! GWAPO! Ano ka ba naman. Pero seryoso nga, sino yun?” Pangungulit pa sa kin ni Pami.
Kinuha ko yung piso sa bulsa ko at tinignan ito. Dahan-dahan akong ngumiti dahil naalala ko yung nangyari kani-kanina lang.
“Wala . . .” Sabi ko. “Siya si Kuya Piso.”
AUTHOR'S NOTE:
Okay, I finally had the courage to upload another story of mine. Actually, this story is inspired by an experience of mine. Nangyari to sa isang random day habang palabas ako ng National Bookstore sa isang random mall.
Hope you guys enjoy this and sana po basahin niyo po ito :) I'll do the best I can to bring smiles into your faces. Thanks for giving my story a shot!!!
Enjoy reading and thankies!!!! Love you guys!!
- izza <3 <3 <3
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?