(Iñigo’s POV)
Nakita kong lumabas ng pinto ng bahay nila ang Daddy ni Meeko. He was staring at me and I’ve never felt so uncomfortable in my life. Ilang moments din siya nakatingin sa kin and it was starting to get awkward. I feel do uncomfortable. Maya-maya pa umalis na yung driver nila Meeko. Buti pa siya nakatakas.
“Hi Daddy! Home so soon? Where’s Mom?” Sabi ni Meeko habang hinahalikan sa pisngi ang Daddy niya.
“She’s inside. We just got home. How was school?” Lahat ng to sinabi ng tatay ni Meeko habang nakatingin sa kin.
OKAY. NABABAGABAG NA KO. NORMAL BA TO O HINDI? MAS GUGUSTUHIN KO NALANG SIGURO LAPAIN NG ASO NILA MEEKO KAYSA SA TITIGAN AKO NG GANITO NG TATAY NIYA. NAKAKAPANGILABOT!!!!!!!!!!
“It was fine. Isa lang assignment namin ngayon Daddy!” Announce ni Meeko sa Daddy niya pero nakatingin pa rin ito sa akin.
“Really.” Sabi ng tatay niya pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.
“Yup!! Oh Dad, gusto ko ko sanang makilala niyo si Iñigo.” Sabi ni Meeko sabay tingin sa akin.
“Good afternoon po, sir.” Sabi ko naman and I did a little bow.
Nakita ko na nakatingin si Meeko sa akin kaya medyo lumakas ang loob ko.
“Well, GUSTUNG-GUSTO ko na makilala ang FRIEND mo. Why don’t we introduce ourselves inside? Gumawa ng meryenda Mommy mo.” Sabi ng tatay ni Meeko at SA WAKAS!!!!! Tumingin siya kay Meeko at hindi sa akin.
“Sure! Halika na Iñigo.” Sabi ni Meeko sabay hila sa akin papasok ng bahay nila.
Sobrang ganda ng bahay nila. It has very high ceilings and may alaking chandelier pa na nakasabit over their sala. Yung interior paint ng buong room white kaya naman mukhangmalinis at nagpopop out yung mga colors ng chairs, cabinets, and yung ibang furnitures sa bahay nila. Pagpasok namin, may biglang sumalubong sa amin na lady. She’s probably in her forties pero maganda pa rin siya. Nakasuot siya ng apron and then may hawak hawak na tray kung saan may nakalagay na mga sandwiches and juice. My guess, siya ang mother ni Meeko.
“Meeko!! Baby ko!!” Sabi nung mother ni Meeko habang binababa yung tray sa center table nila.
“Hey, Mommy.” Sagot naman ni Meeko.
Agad na kumapit sa kanya yung Mommy niya at niyakap nila ang isa’t isa. Sa ngayon, nakikita ko na mukha silang ideal family. Habang nakayakap sa kanya ang Mommy niya, napansin ko na parang may nakatingin sa kin. Lumingon ako at hindi nga ako nagkakamali. Tinititigan na naman ako ng Daddy ni Meeko. Alam niyo yung feeling na para kang experiment na tinitignan ng mabuti nung scientist? Ganun yung pakiramdam ko ngayon. Tumayo ako ng mas matuwid.
“And who’s this?” Tanong ng Mommy ni Meeko at nakatingin siya sa kin.
“Ummm . . . Iñigo Brent Pangilinan po. Good afternoon po.” Sabi ko and then I held out my hand.
Buti nalang at parang controlled na controlled yung boses ko. Natatakot ako na baka bigla akong pumiyok dahil sa kinakabahan ako ngayon eh. Shit!! Papatayin ko ang sarili ko pag nangyari yun. Kinuha ng Mommy ni Meeko ang kamay ko and then shook it.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?