(Meeko’s POV)
Habang papunta kami sa island namin, nadadaanan namin yung mga naglalakihan na mga cliffs na yung iba nababalot ng mga halaman habang yung iba naman bare and makikita mo yung different layers nila. Wow . . . as in super ganda talaga. Makikita mo rin yung iba’t ibang mga white beach sa ibang island. WOW . . . as in wala na talaga akong masabi kundi wow.
Kapag tumingin ka naman sa dagat makikita mo na super blue yung tubig. Hindi katulad ng tubig sa mga dagat sa city tulad nalang ng Manila Bay na super dumi. Eto yung tubig dito sobrang linis talaga. And to think na nasa outskirts kami ng Pacific Ocean.
“Captain, gaano kalalim na yun tubig na dinadaanan natin?” Tanong ni Iñigo.
“Well . . . this part is more or less thirty feet.” Sagot sa kanya ni Captain Rom.
“Wow . . .” Sabi naming lahat at lahat kami napatingin sa tubig.
“So Captain, let’s say may tao na ‘accidentally’ nahulog dito ngayon sa tingin mo mabubuhay pa siya?” Biglang tanong ni Pami. Bigla naman kaming napalingon lahat sa kanya. Nakatingin lang naman siya kay Captain.
“Naku Maam! Sana naman di mangyari yun. Pero kung, sabi mo nga, may nahulog hindi naman siya basta basta malulunod kasi may life vest naman. At tsaka agad naman nating irerescue.” Sagot ni Captain.
“Ay ganun. Sayang naman. Pero kung walang life vest at pinabayaan lang natin siya . . . mag-survive pa kaya siya?” Tanong ulit ni Pami.
Ano bang pinagsasabi nito ni Pami?!?! Bkita ang morbid niya?!?! May gusto ba siyang ipahiwatig?!?!
“Siguro. Pero depende din yun kung marunong siyang lumangoy.”
“Ay . . . sayang naman. Sige po, thank you Captain.” Sabi ni Pami at umupo na siya sa tabi ko.
“Huy Pami! Anong problema mo naman at nagtatatanong ka ng ganun?” Tanong ko sa kanya.
“Eh! Nabibwisit kasi ako diyan kay Lee eh! Nakakirita!! Ang sarap itapon sa tubig at ipakain sa pating!!” Biglang sagot niya sa kin.
“Si Lee? Bakit naman? Ano na naman bang ginawa niya?”
“Masyado siyang nakakairita!! Bipolar na bata ang bwisit!! Ikaw naman kasi Babes bakit hindi nalang si Insan Shaun yung pinasundo mo sa kin kanina nung nakatulog ako sa van niyo? Eh di sana cloud nine ang peg ko ngayon.” Sabi niya sa kin habang naka-nguso kay Shaun na busy kasama si Iñigo sa pagkuha ng pictures ng mga cliffs.
“Eh kasi si Lee yung unang nakita ko kanina. Eh bakit ba kasi anong nangyari sa inyo?”
“Basta!! Umaapoy ang dugo ko kapag naaalala ko yung pinaggagagawa ng lalakeng yan. Bwisit!!”
“Hoy hoy hoy!! Maghunos dili ka nga!!” Sabi ko sa kanya nung bigla niyang pinaghahampas yung upuan namin.
“Ay . . . sarey . . . na-carried away ako ng emotions ko.” Pa-sweet na sabi ni Pami.
“Captain!! Madali lang ba magmaneho netong boat?” Tanong ni Lee kaya naman di na kami nakapag-usap ni Pami.
“Automatic na rin naman to sir kaya mas madala kaysa sa iba. Parang nagmamaneho ka lang ng kotse.” Sabi ni Captain habang iniikot yung parang manibela niya.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?