(Pami’s POV)
Lanjo naman oh . . . akalain mong may girlfriend na pala yung Shaun na yun?!?! Hay naku!! And to think na kanina pinagpapantasyahan ko siya . . . Hay bwishooot!!! Nakakainis!!! Nakakabanas!!!! Nakakairita!!!!!
Bumalik na naman yung mga tao sa paglangoy sa dagat habang ako, eto, nakaupo sa isa sa mga beach chairs nila at pinaglalaruan yung buhangin.
Hay naku . . . akala ko pa naman nahuhulog na siya sa kin kanina kasi ang bait bait niya yun pala totoong nagpapakabait nga lang talaga!!!!!! Ewan ko ba kasi sayo Pami kung bakit ang assuming mo eh!!
“Urrgggghhhh!!!”
Tinapon ko yung hawak hawak kong buhangin and nakita ko naman na tinangay yun ng hangin. Teka, parang nag-rhyme yun ah. Nag-rhyme ba talaga? Ano ba yan!! Hindi naman na ako nakakapag-isip ng matino neto!! Kairita!!
“Huy! Makapuwing ka diyan sa ginagawa mo!!”
“AY KABAYO!!!”
Tumingin ako sa likuran ko and nakita na papalapit sa kin si Lee. Isa din to!! Bibwisitin na rin ba ako neto?!?!
“ANO KA BA?!?! Ba’t ka ba sulpot ng sulpot?!?! At ano na naman gagawin mo dito?! Wag mo sasabihing bibwisitin mo ako ha!! Nananahimik ako dito!!!” Singhal ko kaagad sa kanya.
“Wow. Ano bang meron sayo ngayon? Ba’t ba ang sungit sungit mo?”
“Eh sa pakialam mo ba?! Dun ka nga!! Tsupi tsupi!!”
“Tsupi? Ganyan ka na ba talaga ngayon Pami? Tsk tsk tsk . . . Ganyan ka ba talaga pag BH?”
“Eh sina— ANONG SABI MO?!?!”
“BH ka.”
WUFU!!!!! Nak ng!! Paano niya nalaman yun?!?! At talagang statement pa yung sinabi niya at hindi tanong ha.
“Haha . . . ang laki ng mata mo mukha kang tarsier.” Sabi niya sa kin at umupo siya sa beach chair na katabi nung akin.
“Bakit ka ba nandito?” Sabi ko sa kanya and this time hindi na ko sumigaw. Nakakapagod din pala. Pakiramdam ko napagod ako eh.
“Wow . . . hindi ka na sumisigaw? Is this the end of the world?”
“Ha ha ha. Sige mang-asar ka pa. Baka gusto mong gumuho na naman ang mundo?”
Nanahimik si Lee at hindi ko na rin naman siya kinausap. Nakaupo lang kami dun na nanonood habang naglalaro sila ng volleyball pero this time sa tubig naman.
“So . . . kamusta?” Biglang sabi ni Lee after ng maraming minutes na katahimikan.
“Anong kamusta?” Sagot ko sa kanya at tinakpan ko ng shades ko yung mga mata ko.
“Kamusta maging BH?”
“Hayyyyyy . . . tinatanong pa ba yan?”
“Eh sa gusto kong itanong eh. Kamusta nga?”
“Sa dinami dami ng beses na na-basted ka hindi mo pa ba alam ang pakiramdam ng broken hearted?”
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Fiksi RemajaOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?