(Meeko’s POV)
“Waha!! Wahahahahahaha!!! WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!”
Tinitigan ko ng masama ang mga taong tinatawag ko na mga bestfriends ko. Break time na namin ngayon at hindi ko pa tapos ikwento sa kanila ang tungkol sa text ‘misconception’ ko kaninang umaga nang bigla nilang isingit ang tawanan nilang dalawa.
“Tapos na ba kayong dalawa?” Tanong ko sa kanila.
Tumigil silang dalawa sa kakatawa at gumaan naman ang pakiramdam ko. Hayyyyyyy . . . sa wakas . . . Maya-maya pa, nagkatinginan sila Lee at Pami sa isa’t isa at nagsimula na namang tumawa. Bumagsak na naman ang self-esteem ko at bumulusok pataas ang presyon ko. Shemomai na mga tao to!!
“Bahala na nga kayo diyan. Ang sama sama niya. Magsama kayo!” Sabi ko sa kanila.
I pushed myself off the table and then got up from my chair. FRIENDS. PSSHH!! Naglalakad na ako palabas ng cafeteria pero maya-maya, may dalawang kamay na humila sa dalawang kamay ko.
“Uy Meeko babes!! Joke lang naman yun eh!! Wag ka na badtrip . . .” Sabi ni Pami sabay yakap sa kamay ko na hawak niya. I just glared at her.
“Meeko . . . sorry na. Eh kasi naman ikaw eh! Sino ba naman kasi hindi matatawa sa pinaggagagawa mo kanina?” Sabi ni Lee habang pinipigilan ang pagtawa niya.
Bumitaw si Pami sa kamay ko at binatukan niya si Lee.
“Aray ko!! Bakit mo naman ginawa yun?!?!” Sigaw ni Lee.
“Eh kasi hindi ka nakakatulong eh!! Kung wala kang masabing magandang pampalubag loob, TUMAHIMIK ka nalang!!” Sagot ni Pami.
“Sino namang nagsabi sa’yo na hindi magandang pampalubag loob yung sinabi ko?!?!”
“Kailangan talaga may magsabi nun?! Kahit common sense nalang gamitin mo Lee Michael!!”
“Hoy Pami Jane!! Ano gusto mong iparating ngayon?! Na wala akong common sense?!”
Nagpatuloy sa pagbabangayan yung dalawa at nakalimutan na nila ako. Iniwan ko sila pero hindi pa ako nakakalayo, hinila na naman nila akong dalawa.
“Beb!! Sorry ulit!! Eh kasi naman etong si Lee Michael eh!!” Sabi ni Pami sa tenga ko.
“Anong ako? IKAW kaya yung nagsimula!!” Sigaw ni Lee sa kabilang tenga ko.
“PWEDE BA TUMIGIL NA KAYOOOO?!?!” Sigaw ko sa kanilang dalawa.
“Sorry . . .” Sabi nilang dalawa habang sabay din silang yumuko.
“So babe . . . are we forgiven?” Tanong ni Pami.
“Libre niyo muna ako.” Sagot ko sa kanya.
“Ano?” Tanong naman ni Lee.
“Yun oh!”
Tinuro ko sa kanila yung binibentang French fries sa cafeteria namin. Kanina pa ko nagugutom and swear, nagca-crave ako ng French fries.
BINABASA MO ANG
Si Kuya Piso
Teen FictionOnce is coincidence . . . Twice is fate . . . Pero paano kung paulit-ulit nang nangyayari? Fate pa rin ba? O iba na?